Patrick
Simpleng araw lang naman ngayon. Karaniwang araw ng pagpasok at pag-uwi galing sa kumpanyang pinag-tratrabahuhan. Pero bakit pakiramdam ko, eto na ang katapusan ko? Bakit sa tingin ko sa loob lamang ng apat segundo, matatapos na ang buhay ko? Bakit ko itinatakbo ang aking mga paa papalapit sa taong mababagsakan ng poste dito sa labas ng opisina namin? Bakit ko ililigtas tong taong to? At bakit sa dami-dami pa ng ililigtas, lalaki pa ang pagbubuwisan ko ng buhay? Ang mas masaklap pa dito, siya ang karibal ko. Karibal ko sa babaeng lihim kong minamahal. Yung babaeng nagsisilbing dahilan kung bakit na-eengganyo ako pumasok araw-araw. Yung babaeng, ngiti palang solb na ang buong araw ko. Ang babaeng minsan kong pinangarap na iligtas sa isang sitwasyon na katulad ng gagawin ko ngayon. Pero sa halip, yung magaling pa niyang boyfriend ang ililigtas ko.
Heto ang isang malaks na tulak para sakanya. Napalakas nga ata at talagang tumilapon siya. Si Rando, ang boyfriend ni Mia na pinakamamahal ko.
Hinayupak na Rando, wag mong sayangin ang pagsagip ko sayo. Mahalin at lagi mong pasayahin ang Mia ko! Pasalamat ka, ikaw ang kailangan niya, hindi ako!
Tumingala ako, eto na ang dambuhalang poste, papalapit sa katawan ko. Langyang MERALCO, bat di nila kinumpuni to agad!? Natatakot ako, Diyos ko. Rewind!! Ayoko sa pwestong to, di ko dapat siya sinagip!! Gaano kaya kasakit to? Wala ng isang segundo at siguradong dedo na ko. Sigaw nalang ng mga tao ang huling pumasok sa utak ko.
_________________________________________________________________________________
Mia
Namatay siya. At ngayon, para saan pa ang buhay ko?!! Ano pang kabuluhan ko?!!
Parang kahapon ng umaga lang, sabay pa kami kumain ng almusal. Kagabi, humihinga pa siya sa ospital. Sabi ko sakanya wag siyang bibitaw e, sabi ko lumaban siya!! Sabi ko gumising siya, pero hindi naman siya nakinig..
Gumuho na ang mundo ko, wala na pati ang mga pangarap ko!! Alam naman niyang siya na ang hinaharap ko e. Pero bakit hindi siya nabuhay?!! Bakit papabayaan niya kong mabuhay mag-isa?! Napaka walanghiya naman kasi nung Patrick na yun! Bakit dinamay niya pa sa pagkamatay niya si Rando ko? Mamatay nalang siya naghanap pa siya ng makakasama. Ang kapal ng muka niyang itulak si Rando. Porke mababagsakan siya ng poste, manunulak siya ng tao para mabagok ang ulo at kasabay niyang mamatay. Anong klaseng tao siya!! Napakasama niya!!!!! Pinatay niya ang Rando ko!! Hindi ko siya mapapatawad kahit alam kong nasusunog na ang kaluluwa niya ngayon sa impyerno! Tama lang yun sakanya!! Akala ko pa naman may kabutihan siya sa kabila ng mga sinasabi nila, minsan pinagtatanggol ko pa yung Patrick na yun sa mga katrabaho namin. Pero totoo pala, napaka-sama ng ugali niya!! Walanghiya siya, pinatay niya si Rando!!
Randooooo... Diyos ko, ba't mo kinuha kagad si Rando? Ba't di mo dininig ang panalangin ko?
Hindi naman kaya iba ang gust mangyari ni Rando? Hindi kaya gusto niyang sa kabilang buhay nalang kami magsama? Hinihintay na kaya niya ko dun?
Teka, bagong hasa lang yung kutsilyo namin a.. Asan ba yun? Ah eto..
Masakit kaya to? Sabagay matalas naman, wala na siguro akong mararamdamang sakit. Mabilis lang to, isang iglap lang siguro to. Okay, ready na ang pulso ko... Inhale, exhale.. Okay Mia, makinig ka sa sarili mo, pagkabilang kong tatlo, hiwaiin mo kagad ang pulso mo ng madiin. tapos, pumikit ka, isipin mo si Rando. Isipin mo lang siya, yung mga pinagdaanan niyo, yung mga araw na magkasama kayo. Sigurado, hindi mo na mararamdaman ang sakit.
Okay Mia, eto na.. Isa... Dalawa, idiin mo na ng konti ang kutsilyo.. Inhale, exhale Mia.. pumikit ka na.. TATLO...
_________________________________________________________________________________
Rando
Ang huli kong natatandaan, merong isang chakang higanteng poste ang parang kumendeng-kendeng tapos bigla atang gusto ako yakapin. Etchuserang poste yun, nagkagusto pa ata sakin. Tapos bigla nalang narealized ko, eto na ang huling sandali ko sa Earthlalu. But wait there's more, bigla nalang out of nowhere, nakita ko ang makisig na katawan ni Papa Patrick papalapit sakin. I knew it! I so knew it!! Akala ko sa mga dreamlalu ko lang mangyayari tong ganitong eksena, pero eto, Papa Patrick is really my knight in shining polo!! OMG, he's so gwapo habang papalapit siya sakin. Biruin mo, type din pala ko ng Patric nato. Sana sinabi niya sakin kagad para naging in a relationship kami kagad. Kung siya lang naman, aba, talagang maglalantad na ko sa totoong katauhan ko no.. Ipagsisigawan ko pa sa buong mundo na hindi ako si Rando, because I am Randa!! Pero nadismaya ako, nung ready ko na siyang yakapin habang pabagsak ang pesteng chakang poste na yun, bigla niya akong tinulak!!
At hindi yun kinaya ng lola niyo. OMG, as in OM! tumilapon talaga ko. Then hindi ko na alam ang nangyari, ang huli kong nakita ay plenty of stars at ang huli kong narinig ay malakas na kulog.
And then I'm here na. Well, malakas ang pakiramdam ko, dead na ko. Haler, wala naman gantong place sa Earthlalu. Where is this nga ba? Heaven? Hmmm.. E bat parang ako lang ang namatay? Duh, walang katao-tao.
Wait, ano yun? ayyyyyy, OM, may tao! At mega OMG!!!!!!!!!!! Is that my knight in shining polo???
Oo nga! Si Papa Patrick nga.
Papa Patrick!! You"re here din.. I'm so glad! But wait, don"t give me that look. Why are you giving me a takang-taka look. And why are you asking me kung ba't andito din ako. Haler, of course I'm deadlalu na din. But don't worry, I so appreciate what you've tried to do. Thanks for trying to save me. But you know what, it's better that were both here than me living in the world without you. Isn't this great Papa Patrick?
Wait lang, and who is that other shadow? Ay nakakainis naman, may kasama pa tayo dito. Akala ko naman solo na natin tong place na to. Asar!!!!!!
At OMG!!! What the hellalu!! Why is Mia here???? Hoy Mia ka! Mianghiya ka talaga! hanggang dito ba naman, hahabol ka sakin? Bumalik ka sa Earth!!! Wag ka here!!! Does this mean that I have to hide my true identity even here in the so called second life?? GRRRRR.. I want to die for the second time!!!!!
No comments:
Post a Comment