(Ang maikling kwento ni BEMBONG)
Uyyyy, eto nanaman!!! Nakita ko nanaman siya. ‘Tong babaeng
lagi kong nakakasabay sa bus. Well, trice a week technically. O pwede rin
nating sabihing tatlong bes ko lang alam
na kasabay ko pala siya. Maari kasing hindi lang pala ako aware na kasabay
ko pala siya.
Ayun, as usual, ang ganda niya pa rin. Ang ganda talaga ng
mga mata niya. Tatlong taon ko na siyang nakakasabay sa pagpasok pero ganun pa
rin siya kaganda tulad nung una ko siyang nakita. Haay, hindi siya nakakasawang
tingnan. Sayang nga lang, nauuna akong bumaba sakanya. Kaya hindi ko tuloy alam
kung saan ang destinasyon niya. At hindi naman ako stalker, at no way! Hindi ko
siya lalapitan! Baka isipin niya pa may gusto ako sakanya. Nagagandahan lang
ako sakanya, yun lang.
Pero nung isang araw, napansin ko, tinititigan niya ko. Aba,
kada tingin ko ba naman sakanya e nahuhuli ko siyang nakatingin sakin. Naisip
ko tuloy may mali sa itsura ko. Hala, sino ba naman ako para tingnan niya ng
matagal diba. Hindi kaya napapansin na niya na ako yung lalaking lagging
nagpapa-upo sakanya kapag natataong standing na sa bus pagsakay niya?
Nakakahiya naman. Mahahalata niyang may espesyal na atensyon ako sakanya. Tulad
ngayon, nakatayo nanaman siya. Parang ayoko muna siya paupuin. Distansya muna.
Masyado na ata akong obvious. Hindi rin naman kasi marunong magpasalamat tong
babaeng to. Siguro yung ngiti na niya yung pasasalamat niya. Pero pasensya na
muna miss ganda, hindi kita papaupuin ngayon. Baka nag-a-assume ka na dyan e.
Haay, paano kaya kung makasabay ko siya tapos kasama ko yung
girlfriend ko. Sino kayang mas bibigyan ko ng atensyon sakanila? Hindi ko alam,
pero sana yung girlfriend ko, kasi nga, girlfriend ko siya. Pero sana nalang
wag ako malagay sa ganung sitwasyon, baka kasi mapansin ng girlfriend ko yung
pagsulyap-sulyap ko dun at pagmulan pa naming ng away. Alam niyo naman ang mga
babae diba.
Teka, e bakit parang may mga namumuong luha sa mata ni miss
ganda? Luha ba yun? Baka naman naghikab lang siya. Ow freak! Umiiyak siya. Ano
kayang nagyari sakanya? Naku, kung kelan naman ayoko siyang paupuin, dun pa ata
niya kelangan ng comfort. At hindi ko to pwede palampasin, I feel the urge to
comfort her. I know she needs it.
Ano bay an, kakasabi ko lang na ayoko siyang lapitan e,
tapos eto ako, tatayo para lapitan siya.
Okay, hingang malalim. “Ahh miss, dito ka na o. ikaw na
umopo dito. Mukang hindi ka ok.”
Ayan nanaman ang walang kupas niyang ngiti. Ngumiti lang
bilang pasasalamat. Sana manlang mag-thank you siya. That would start a
conversation.
O sige, hihirit pa ko ulit, “Ahh ok ka lang ba? May nangyari
ba?”
Nguniti at umiling? Ayaw niya ba talaga akong kausap? Ang
suplada naman nito. Ah, baka naman may pinagdadaanan lang talaga.
Sige isa pa, last na to, pag di siya sumagot, end of
conversation, kahit wala naman talagang conversation. “Wag mo yang solohin,
ishare mo yang nagpapalungkot sayo. Makakatulong yun para gumaan ang pakiramdam
mo.”
Ngumiti siya ng pilit, ibinuka ang bibig. Sa wakas!
Kakausapin niya ko.
“WALA ‘TO, NALALA KO LANG YUNG BOYLET KO.”
iwanticewater.wordpress.com |
Teka sino yung sumagot, yung lalaki bas a likod ko? Yung
lalaki sa tabi niya? Anak ng pu&%@#!@#$@! Kay miss ganda bang mga tinig
yun? Walanghiya, tinalo pa yung lalim ng boses ko a.
Anak ng pusakal. Lalaki tong miss ganda na to? Anak ng
p@#$%#$@^&&!!! Tatlong taon???!! Tatlong taon akong nagoyo? Anak ng
walanghiya!!! Isa ata to sa mga sumali ng SUPER SEREYNA! Arggggggg!!!! WOOOH!
Sarap manuntok.
Makababa na nga, lilipat ako ng ibang bus. Anak ng, kahit
malate ako, lilipat talaga ako ng bus, wag ko lang makasabay tong anak ng,
manlilinlang na to.
Wooooooooooohh!! Badtrip na araw to!! Gusto ko bigla
umabsent!!!
(Note: Pasingtabi po sa mga matatamaan, kung meron man. Eto
po ay halaw sa opinyon ng isang character dito sa istorya. Maaring nagyayari sa
totoong buhay. At ito ay isang pangyayari lamang. Kung meron mang masaktan, patawad
po. Naglalahad lamang ako ng istorya, base sa reyalidad ng buhay.)
P.S. Si Bembong ay magsusulat na din mula ngayon. :)
No comments:
Post a Comment