Showing posts with label short story. Show all posts
Showing posts with label short story. Show all posts

Wednesday, April 22, 2026

Pangalawang Pinakamataas na Uri ng Pagmamahal Part 3

Alam mo bang may mga tanong akong alam kong ikaw lang ang makakasagot?


Alam ko.


Kaso madalas ang mga sagot mo, dinadaan mo pa sa bugtong. 


Ako ba yun? O ikaw?


Ewan ko sa'yo.


Marami tayong pagkakapareho, isa na siguro yun.


Alam mo bang sa dami ng pagkakapareho natin, mukang niyayapakan ko 'yung mga niyayapakan mo dati. 


Naku, 'wag. 


'Wag ka mag-alala, kagaya mo, nawawalan na din ng bisa ang kryptonite sa akin.


O e ano tayo niyan, superhero?


Siguro, pero mas bagay yun sa'yo. I've witnessed how good your heart is. Sa akin, hindi pwede, mas pipiliin ko ang tahimik na buhay, hindi ko aagawan ang Diyos sa trabaho Niya, kaya hindi ko pagaaksayahan iligtas ang mundo.


Alam kong sa kaya mong paraan, nakakapagligtas ka rin. Kilala din kita, kilalang-kilala at nakita ko 'yun.


Sus, kahit normal na tao, kaya 'yun gawin.


May gusto ka pa bang itanong?


Madami. Sobrang dami. Sabi ko nga niyayapakan ko yung mga niyayapakan mo dati. Para kong nasa maze na nangangapa, namumulot ng mapa sa daan na parang ikaw ang huling humawak. Lagi na lang may WTF na para bang di na ko nasanay. Gusto kita makausap... ng personal.


Sige, tara dito sa Toronto.


Huli na, wala na ko sa maze. Sa tulong ni Frank, para akong si Max sa I moved Your Cheese na nakawala sa maze.


So, wala ka nang tanong?


Gusto ko sana makakwentuhan ka sa bagay na 'tu na para lang tayong ngumunguya ng mani. Ang WTF di ba? I mean, alam kong may isang tao out there na makakakwentuhan ko sa parehong bagay na napagdaanan namin. Dalawang weirdo nag-uusap, parang ganun.


Niyaya kita sa Toronto.


I have Frank.


Ako ang may tanong.


Shoot it.


Bakit 'di ka naghintay?


The same reason why you chose your passion over me.


---


Don't worry. It's perfectly fine. I completely understand. Napakagandang rason 'yun para talikuran ang isang tao.


So, ito na 'yung closure natin?


Siguro. Pero gusto ko lang din sabihin na kahit kailan ata di ko magagawang magpaalam sa'yo. You are the only person I know out there na kapareho ko o parte ng mga misteryo ko. Nung time na una kitang nakilala dun sumirko-sirko ang mundo ko. Gusto kong idecipher kung bakit. Pero baka mapunta na naman ako sa lugar na di ko gusto. Isa pa, nung panahon na 'yun? May mga nasaktan ba ako o may mga naagrabyado dahil sa kaguluhan ng isip ko resulta ng mga maling pagiimbestiga? Kaya mo bang sagutin 'yun?


Huwag ka na bumalik dun. Tapos na ang pagiging imbestigador mo. Iba na ang career mo ngayon. Sabi mo nga, kagaya ng pagliligtas sa mundo, hindi mo trabaho 'yun.


Just at least let me know if I owe someone an apology. Do I owe you an apology?


---


Sige, sabihin mo na lang kung kailan ka handa. So, are you seeing someone? Nakita mo na ba ang mag-aalay sa'yo ng pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal and vice versa?


Ikaw nakita mo na ba?


I'll be lying kung sasabihin kung wala kay Frank.


Then I'm happy for the both of you. Genuinely. I'll have a favor to ask for, though.


Sige lang.


I'll get married next week. Hindi na kita makakausap na ganun ka dalas.


A-ano ka ba, wag mo na pagandahin. Iwasan na kita. I know. I understand. Baka mamisinterpret yung friendship natin. Best wishes. Genuinely. Nauna pa kayo ikasal sa amin ni Frank.


Friendship? Hindi lang friendship 'tu para sa akin. Ikaw---ikaw ang pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal ko, Sheriez. Now, I don't care kung hindi ako yung sa'yo, basta ikaw 'yung sa akin. Napakamanhid mo.


---


'Wag mo na 'yun alalahanin. Hindi ko naman sina-- O, e ba't tumatawa ka?


Papunta na tayo sa teleserye. 🤣 Anyway, hindi ako manhid. Nararamdaman ko lahat, napapansin ko lahat. Kaso, naaalala ko yung gabing 'yun, ayoko lang magkamali ulit o 'di ko mamalayang may masaktan. Kaya simula nun, unless marinig ko mismo sa tao ang totoo, wala akong ibang paniniwalaan kahit may napagtatagni sa isip ko, i-iisang tabi ko yun at ituturing na kathang-isip.


Ngayon, narinig mo na. Hindi na 'yun kathang isip.


---


Sige na, maliligo na ko. Ikamusta mo ko kay Frank.


Ito na ang huli kong tawag sa'yo, Rogel. Gusto kong irespeto ang magiging pagsasama niyo ng magiging asawa mo.


---


Hanggang sa muli, Rogel. Ingat.


---


-------

Sunday, April 5, 2026

Pangalawang Pinakamataas na Uri ng Pagmamahal Part 2

'Di ba favorite mo 'yung One Piece? 


Oo. 


Bakit wala kang reaksyon, e sikat na sikat sa mga memes 'yun kada may ilalabas na update. 


Wala namang humihingi ng reaksyon ko. Saka walang makakaunawa. 


Try me. 


Saang part ba? 'Yung recent?


Sige, magsimula tayo sa recent. 


Well, I think, para sa ibang level ng pang-unawa, love triangle si Imu, Joyboy, at Lily. Pero on a deeper and wider perspective, Imu represents a controlled world, a systematic world na siguro gusto niyang pamunuan, while Joyboy represents freedom, world without walls, no one can dictate you to pay taxes or be in a 9 to 5 job kasi may mga pananim ka sa tabi ng bahay mo na pwede mong pitasin once magutom, or mangisda sa dagat kung gusto mo, anytime pwede ka umakyat ng bundok, you are always close with the nature. Kasi admit it or not, sino lang ba ang higit na nakikinabang sa mundong controlled at systematic? It's like the moment you were born, bound ka na maging slave ng crineate nilang sistema.


So, kaya may void century? 


Yes, I think so, sa pagpili ni Lily kay Joyboy, which is freedom, nagkaron ng malayang mundo. 'Yun 'yung century na inalis nila sa history. 


Ah, pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal. 


Ha? Hmm... Nakonek mo pa 'yun? 


Huwag mo sabihing nakonek mo 'yan lahat, tapos 'yung simpleng connect A to B 'di mo napagtugma? Mali ako ng tawag sa'yo, kasi hindi ka naman tanga. Pero siguro hindi pa nag-eexist ang word na saktong idedescribe kung anong klase ka mag-isip o umunawa. 


So, mapanganib nga 'no? To the point na naclaim ni Imu ang tinatawag nilang the devil who rules the world.


Exactly. All because of Lily or all for Lily.


Kaya minsan, naiinis ako pag may meme na dumaan sa feed ko mocking the pain and heartbreak of Imu as if we've never been to that kind of pain. Naniniwala na ko sa sinasabi mong hindi humuhupa ang pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal. At siguro kaya sila tumatawa kasi rare nga lang 'yun.


Exactly. Sapat nang rare 'yun, biruin mo ilang century ang magiging void, kung hindi. 


Void lang naman siya kasi hindi na nilagay sa mga history books or inalis sa history. Pero I doubt na it was wiped out or obliterated.


So, that freedom is somewhere out there?


Yes.


A place where Imu is not welcome? 


A place where a changed Imu is welcome. An Imu who is embracing freedom as well and not power.


Pero may nakalimutan ka, he is carrying the second highest form of love for Lily. The Lily who chose Joyboy over him.


If he is indeed carrying the second highest form of love, di ba sabi mo kahit pa maging pag-aari ng iba ang puso ng mahal niya, mananatili lang ang pagmamahal niya, it's not the kind of love na ipinipilit. I remembered you said that clearly.


Oo nga, pero baka kasi I'm speaking for myself. Baka iba pala si Imu.


What? You are speaking for yourself? You are carrying the second highest form of love? Aba, aba, who's the unlucky girl? 


---


Wow, deadma. Well, kung igigive up ni Imu and desire nya to control the world and the power over it, tingin ko, ang matitira na lang talaga sa kanya ay 'yung pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal. And hindi na 'yun mapanganib.


Mapanganib 'yun. Sa tingin mo ba kaya lang yun naging mapanganib dahil sa desire nya sa mundo? Stand alone ang pagiging mapanganib ng pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal, katulad ng sinabi ko sa'yo. Kung sinasabi mong hindi na wipe out ang void century at binura lang sa history. Etong pagmamahal na meron si Imu kaya talaga 'nun gumunaw ng mundo para kay Lily.


Well, sabi mo baka you're speaking for yourself lang.


Hayaan na nga natin si Oda d'yan. Istorya niya 'yan. Kahit naman magbigay tayo ng mga teorya, siya pa rin ang gagawa at tatapos ng kwento ni Imu.


Tatanong-tanong ka, 'di ka pala ready sa sagot ko. The world ia not ready for my thoughts nor the way I think. Gawan mo ng one word yan. 'Tas yun ang itawag mo sa kung paano ako mag-isip o umunawa. 


Let's call it by your name then. Sherielize. You think sherielizedly, it enlightens and worries me at the same time.


Enlighten ba talaga? O siya, pababa na kami ng summit ni Frank, wala nang signal sa ibang parte ng bundok. Ingat ka d'yan. 


Ingat.


-------

Tuesday, March 24, 2026

Pangalawang Pinakamataas na Uri ng Pagmamahal

Alam mo yung pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal?


Parents' love. 


Hindi. 


Naranasan o natagpuan ko na ba yun? Kasi paano ko 'yan masasagot kung di ko pa pala yan naranasan. 


Antanga mo naman kung hanggang ngayon, hindi mo alam. 


Grabe ka naman, paano kung 'di ko pa nga naranasan, pagbibintangan mo pa kong tanga. 


I-explain ko sa'yo ha. Ang pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal ay 'yung mahal ka nang buong ikaw, hindi lang sa metapisikal pero maging ang kaluluwa mo. Uunahin niya ang kaligayahan o nakabubuti sa'yo bago ang sarili niya. Kaya niyang ialay ang lahat sa'yo, gawin ang mga bagay para lang masiguro na maganda at maayos ang kalagayan mo. 


Hindi ba 'yan parents' love? 


Hindi nga. Ang parents love nag-eexist dahil galing ka sa similya at egg cell nila, dugo't laman ka nila kaya ka nila mahal. Pero 'yung pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal, hindi natatali dun, o sa simpleng atraksyon, 'yung tipong kahit hindi ka nahawakan sa kamay, handang ibigay ang lahat sa'yo kesa hodang barabas pala ang nakaraan mo, kesa hodang hindi masuklian ang pagmamahal na meron siya, kesa hodang may ibang magmay-ari ng puso mo, kesa hodang mag-iba ang mga landas niyo, hindi hihinto ang uri ng pagmamahal na 'to. 


Ang martir naman nun. 


Hindi martir. Mapanganib. Kaya madalas hinahadlangan 'to ng langit. 


Bakit hahadlangan ng langit ang ganun kadalisay na pagmamahal? 


Dahil mapanganib nga. Just think of the possibilities na pwedeng mangyari kapag hindi nahadlangan ang ganung uri ng pagmamahal. 


Edi mundong puno ng pag-ibig. 


Mali, mundong puno ng paghihiganti at mundong hahayaan niya lang magunaw kung kapalit naman nito masaya at maayos ang buhay ng taong mahal niya. Mundong kahit kelan, kaligtasan mo lang ang pipiliin niya kahit gaano karami pa ang isakripisyo niya.


Oo nga, mapanganib nga. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ko o malulungkot pagnakatagpo ako ng ganyang pag-ibig. 


Bakit, tingin mo ba hindi ganuon ang uri ng pagmamahal sa'yo ni Frank? Swerte mo, pagnakatagpo ka ng pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal, bibihira lang yun, rare. Kaso, tanga ka, tingin ko kahit makatagpo ka nun, di mo mamamalayan. 


How sure are you na tanga ko sa bagay na 'yun? 


Kasi sa haba - haba ng explanation ko, 'di mo pa ding maamin na ikaw nga ay tanga nga. O siya, kunin mo na lang yung bisikletang 'to, maglalakad na lang ako pauwi, mataas ang gasolina ngayon dahil sa gyera sa Middle East, 'wag ka muna magmotor. 'Wag mo kalimutan yung helmet ha. Isuot mo at ayokong makapatay ng tao dahil lang nabangga ka at nabagok ang ulo mo.


Siraulo! Oo na, sige na! Hinihintay na ko ni Frank sa bahay. Ibalik ko na lang sa'yo pagnagroll back ang gasolina. 


Asa ka pa 'dun? Anyway, 'wag mo na ibalik. Pamana ko na yan sa'yo. Mamaya may flight ako pa Toronto. 


Ha? Pambihira ka. Bakit pamana? Di ka na ba babalik? 


Hindi na. Ano sama ka?


Siraulo!


Sige na, hinhintay ka na ni Frank. 


Seryoso nga iiwan mo na ang lugar na 'to? 


Kanina pa ko seryoso sa lahat ng pinagsasabi ko. Buti nga nagpakita pa ko sa'yo bago umalis. 


Siraulo! Buti kamo, sinipot kita. Panu pala kung hindi, edi--


Edi sesendan kita sa messenger ng sunset. 


Siraulo, di ko yun magegets. 


Tingnan mo, edi tanga ka talaga. 


Siraulo! 


Siguro nga. Isang tanga at isang siraulo, magkasama ngayon. 


...


...


Dalawin ka na lang namin ni Frank dun. 


Ikaw bahala. Sige na, may mga aayusin pa kong gamit, istorbo ka na.


Tse.


Seryoso, umalis ka na, sakyan mo na yang bike, wag ka na magpaabot ng dilim. O, yung helmet sabi, eto, o. 


Ingat ka sa byahe mo. Balitaan mo ko sa buhay mo dun sa Toronto. Hangad ko, kahit sinasabi mong mapanganib, makatagpo ka dun ng pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal.


Susubukan ko. 


Deserve mo 'yun.


Sige na, tutuloy na ko.


Kita tayo sa hinaharap.


Baka hindi na, masyadong mapanganib. 


Ha? Tingin ko naman huhupa na 'yung gyera. Lahat naman humuhupa.


Hindi ang pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal.


Sigurado ka?


Tandaan mo 'to, kahit tanga ka, ma--


Siraulo! Sige na, lumakad ka na nga. Paano, salamat dito sa pamana mong bike ha.


Ingat. 


Ingat.


....... 


....... 

Wednesday, December 7, 2022

Nilaga

Habang namimili ng lahok
Beef cubes siya'y dumampot
I don't need that bigla kong tugon

Siya'y umatras at bahagyang lumayo
Ikaw ba ang magluluto? Tanong ko. 
Iling lang ang kanyang sagot. 

Ang tindera'y napangiti na lang sa sulok
Walang muwang na espesyal ang araw na 'to
Kaya nga siguro ako'y magluluto? 

Ngunit bakit ako nga'y magluluto,
Kung espesyal pala ang araw na ito?
Sakanya'y tumingin, tanong ko'y nasagot.

At sa kanya na lamang kayo magtanong, 
Anong lasa ng unang anibersaryo?
O ng nilagang walang beef cubes sa timplado.

Sa huli, pareho naman kaming nakangiti.



Wednesday, July 15, 2015

Yung Babaeng Naka-Wedding Gown

Bumilis ang tibok ng puso ni Kevin nang makita niyang nakasuot ng wedding gown ang babaeng pinakamamahal niya.

Medyo tumatagaktak na ang pawis sa mukha niya dahil kanina pa niya hinihintay lumabas ng bahay si Jhel – ang babaeng nakasuot ng wedding gown. Sabay silang pupunta sa simbahan. Medyo naiinip na nga siya kay Jhel, pero araw niya 'to, at isa pa, sanay na siya sa kabagalan ng babaeng pinakamamahal niya. Kaya na niya yung tiisin kahit habang buhay.

Sulit naman ang paghihintay niya nang makita niya ang pinakamagandang babaeng naka-wedding gown. Walang sinabi si Marian o Heart o kahit si Toni G.. Para kay Kevin, si Jhel ang pinakamagandang babaeng nagsuot ng damit pangkasal. Sabihin na nating bias siya, wala naman tayong magagawa, inlove yung tao e.

At waring napako na nga ang mga mata ni Kevin kay Jhel, at kahit normal pa rin ang takbo ng mundo, sa paningin niya ay slow-motion ang paligid. Slow motion ang paglapit ni Jhel sakanya. Ganitong-ganito ang mga eksenang naisip niya sa araw ng kasal nila ni Jhel. Eto ang pinangarap niya, eto ang eksenang madalas niyang mapanaginipan. Pero ngayon alam na ni Kevin na iba ang pakiramdam sa totoong buhay – waring natutunaw ang puso niya sa harap ng pinakamamahal niya.

"Huuuy! Tara na!" binasag ng tinig ni Jhel ang mabagal na takbo ng mundo ni Kevin. At bumalik sa normal ang galaw ng paligid sa mga mata niya.

"Ang tagal mo. Kailangan ko tuloy mag-retouch," pagpapatawa ni Kevin para mapagtakpan ang umaapaw na paghanga niya sa babaeng naka-wedding gown.

Pinagbuksan ni Kevin ng pinto ng sasakyan sa passenger seat si Jhel, "O pumasok ka na pinakamagandang bride," mas tunog pang-aasar kesa pangpupuri na sabi ni Kevin.

"Sus, sinasabi mo lang yan ngayon," nakangiting sabi ni Jhel sabay irap, "bakit dito ako? Dun ako sa backseat," sabay nguso sa backseat ng sasakyang puti at may ribbon sa harap.

"Wow, magmumuka pa kong driver mo??!" kunwari'y asar na sabi ni Kevin. Ang totoo gusto lang talaga niyang katabi ang pinakamamahal niyang babae hanggang maihatid niya ito sa dambana.

"Tara na nga, pagnakipagtalo pa ko sayo malelate pa tayo," at pumasok na siya sa nakabukas na pinto.

Pagkasara ng pinto ng sasakyan ng puting kotse, nagmadali si Kevin na makapasok sa driver's seat at sinimulang paandarin ang sasakyan.

Sa mga oras na ito, kailangan niya ang beast mode. Pero hindi. Ninamnam ni Kevin ang mga natitirang oras na magkasama sila ni Jhel sa puting sasakyan bago sila makarating ng dambana. Kahit naman ma-late sila, matutuloy ang kasal pwera nalang kung magbabago ang isip ni Jhel.

"Naalala mo yung nalaglag ka sa puno ng kayamito? Tapos sakto ka sa tae ng kalabaw?" natatawang tanong ni Kevin.

Binatukan ni Jhel si Kevin. "Sige, ngayon mo pa yan ipaalala," may kasamang panlalaki ng mata na waring banta ni Jhel.

Tumawa naman ng malakas si Kevin.

Natawa na rin si Jhel dahil naalala niya nga ang eksena na yun. "Ok lang, elementary lang naman ako nun e," pagtatanggol ni Jhel sa sarili.

"O di sige, yung nadulas ka sa harap ng quadrangle habang nagpa-flag ceremony tayo? Inagawan mo pa ng eksena yung principal na nenermon satin," kasunod ang malakas na tawa ni Kevin na waring hindi matatapos.

Natawa din si Jhel sa naalala niyang kahihiyan, "Oh my.. haha. That was so embarrassing, gusto ko na ngang lumipat ng school nun kinabukasan e. Hahaha. Highschool life. Hiyang-hiya talaga ko. Kitang-kita ko pa ang reaksyon ng crush ko, nakakahiya!" tawa ng tawa si Jhel habang nagkwekwento.

"Hahaha. At ako naman ang pinakamasayang tao nung nangyari yun sayo, hahaha", tawa pa rin ng tawa si Kevin.

"Alam ko!" sabay irap kay Kevin.

Tuloy lang pagtatawanan ng dalawa habang binabalikan nila ang mga napagdaanan nila sa buhay. Mga katangahan; mga kalokohan; mga tampuhan; at kung paano tumibay ang samahan nila. Natutuwa at natatawa ang dalawa sa mga eksenang pinagdaanan nila sa buhay ng bawat isa.

Sa isip ni Kevin si Jhel nga ang babaeng swak sa puso niya, wala na siyang ibang hahanapin pa. Hindi siya nagkamali.

Sa sarap ng asaran at kwentuhan ng dalawa hindi nila namalayan na malapit na pala sila sa simbahan at muntikan pa silang lumampas. Buti nalang at hindi absent minded si Jhel at napigilan niya ang paglampas nila sa simbahan.

Habang papalapit ang sasakyang puti sa tapat ng pinto ng malaking simbahan, napansin nila ang mga abay na pumupwesto na para sa seremonyang sila nalang ang kulang.

"Kinakabahan ako,"
biglang seryosong sabi ni Jhel sa katabi.

"Ngayon ka pa kinabahan, ilang hakbang nalang o. Ano nagbago na isip mo?" tatawa-tawang tanong ni Kevin.

"This is it." hindi pinansin ni Jhel ang tanong ni Kevin, at huminga siya ng malalim. "Oyyy, pagbuksan mo na ko ng pinto."

Tiningnan niya muna ng matagal si Jhel.

"Ano?? Tara!!" kumunot na ang noo ni Jhel.

Bumaka ang bibig ni Kevin at waring may gusto siyang sabihin. Tumingin siya sa mga mata ng pinakamagandang babaeng naka-wedding gown. Gusto niyang ilabas ang saloobin. Saloobin na matagal na panahon na niyang itinatago sa kaibaturan ng kanyang puso.

"Ano ba? Kumalat na yung make-up ko?", sabay tingin ng mukha niya sa rear view mirror. "Naku, nakakahiya kay Miguel pagnagkataong hindi ako maganda sa kasal namin."

Huminga ng malalim si Kevin, may kurot sa kanyang dibdib.

"Okay pa ba itsura ko?" muling tanong ni Jhel na waring nag-wo-worry.

Bahagyang binatukan ni Kevin si Jhel sabay sabing, "Diba sabi ko sayo ikaw ang pinakamagandang bride."

Ngumiti si Jhel, "Muka mo, alam kong nang-uuto ka. Tara na! Ihatid mo na ko kay Miguel" kasunod ang mas matamis na ngiti.

Tumagos sa puso ni Kevin ang matamis na ngiti na yun. Dahil alam niyang hindi yun para sakanya. Hindi nga pala siya ang dahilan kung bakit nakawedding gown ngayon ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi siya. Kung kanina'y may kurot lang sa puso niya, ngayon waring hindi siya makahinga sa sakit ng dibdib niya. Naisip niya kung anong klaseng katangahan itong pinasok niya at siya pa ang maghahatid sa babaeng pinakamamahal niya sa dambana para ibigay sa ibang lalaki.

Pero wala naman siyang choice. Siya lang ang maaaring maghatid kay Jhel sa dambana ngayong wala na ang tatay niya. Tutal siya rin naman ang nagsilbing kasangga ni Jhel sa bawat yugto ng buhay nito. Yun nga lang ibang ending sana ang inaasahan niya para sa kanilang dalawa. Pero hindi pala iyun ang ending nila. Eto pala.

Eto siya, si Kevin, lumabas na ng pinto ng puting kotse upang pagbuksan ang babaeng naka-wedding gown. Nang mabuksan na ang pinto ng passenger seat, kinuha niya ang kamay ni Jhel at inilagay sa braso niya. Handa na siya para ihatid si Jhel sa dambana.

Nagsimula na ang paglalakad nila sa gitna ng simbahan. Nakita ni Kevin ang mukha ni Miguel. Nakangiti ito at waring kinakabahan. Nakapako ang tingin sa pinakamagandang bride na katabi niya.

Tiningnan ni Kevin si Jhel. At kahit natatabingan ng belo ang mukha nito, tagos na tagos ang mga tingin at ngiting alay nito sa lalaking pinakamamahal niya. Sa lalaking napili ng puso niyang pag-alayan ng forever niyang pag-ibig. At durog nanaman ang puso ni Kevin. Hindi niya napigilang ilabas ang sakit sa pamamagitan ng mga luhang unti-unti ng pumapatak.

Napansin ni Jhel ang mga luha sa mata ng matagal na niyang kasangga; sa kaibigang kadugo na niya kung ituring. "O? Ano yan? Umiiyak ka? Hahaha." Pang-aasaar niya.

Lalong bumuhos ang luha niya nang papalapit na sila kay Miguel upang ibigay ang kamay ng pinakamamahal niyang babae. "Ikakasal ka na e. Masaya ako para sayo."

Handa na si Miguel abutin ang kamay ni Jhel, ngunit niyakap muna ni Jhel ng sobrang higpit si Kevin – isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya. "Thank you so much Kebs. So much.."

Ayaw na sana ni Kevin matapos ang yakap na yun, pero wala siyang nagawa nung kumalas si Jhel at pagkatapos ay binigyan siya ng matamis na ngiti.

Handa na muling abutin ni Miguel ang kamay ni Jhel, pero pinigilan ni Kevin si Miguel at niyakap, pagkatapos ay binulungan, "huwag mo siyang sasaktan, kundi papatayin kita." seryoso niyang banta sa lalaking mahal ng mahal niya.

Tumawa lang si Miguel at tinapik sa balikat si Kevin – ang matagal na niyang pinagseselosan ngunit sadyang kapamilya lang pala ang turing ni Jhel dito. At wala siyang dapat ikabahala.

Kinuha ni Kevin ang kamay ni Jhel at iniabot kay Miguel.

Nakangti ang dalawang ikakasal sa pagtatagpo ng kanilang mga kamay.

Habang naglakad naman palayo na may luha sa mga mata si Kevin at tinatanong ang sarili kung bakit hindi siya ang kasama ni Jhel sa harap ng dambana.

Tuesday, March 31, 2015

Nang Dahil Sa Pag-indak..



Sa isang lugar sa Cavite kung saan hindi uso ang pagsasayaw, mayroong waring baliw na lalaking nagsasayaw ng Pandanggo. Madalas siya pagtawanan at kutyain ng mga tao at maging ng mga hayop. At sino nga ba naman ang hindi matatawa sa isang taong kakaiba?
photo by: imgkid.com

At siguro'y nasanay na siya sa sitwasyong pinili niya. Sanay na siya sa mga taong tumatawa at kumukutya sa kung sino siya – isang lalaking sumasayaw ng Pandanggo sa lugar na nilimot na ang anumang klase ng pag-indak. Gayunpaman, tuloy lang siya sa pagsayaw sa saliw ng tugtuging sa isip niya lamang naririnig.

Ngunit isang araw isang babaeng matandang umiiyak ang lumapit sakanya. Sa unang pagkakataon, napatigil siya sa kalagitnaan ng kanyang pag-indak; sa unang pagkakataon, isang taong umiiyak ang lumapit sakanya. Iba ito sa pakiramdam niya. Ngunit hindi niya ito gusto. Lalong lumakas ang iyak ng matandang babae, dahilan upang lapitan niya rin ito.

Wala pang lumalabas na tinig sakanya ay waring alam na ng matandang babae ang nais niyang malaman. Kaya naman inabot sakanaya ng matandang babae ang isang diary. Kinuha niya ito at binuklat.

Laking gulat niya sa mga letrang nababasa niya sa diary na ito. At lalong hindi niya kinaya ng makita niya ang patak ng dugo sa diary page na may kasamang mga katagang ‘broken guitar floating in the river’. Iyun ang paboritong kanta ng babaeng akala niya ay hindi na niya makikita kailanman. Dito na siya nagsimulang lumuha at niyakap ang matandang babaeng patuloy pa rin sa pag-iyak. 

At nakisali naman ang langit sa pagluha ng dalawa at pumatak ang ambon hanggang sa naging ulan.

Natawa ang dalawa. Natawa dahil biglang umulan o marahil sa pangyayaring hatid na rin ng tadhana. Ang lalakiing sumasayaw ng pandanggo ay sumasayaw na sa saliw ng patak ng ulan dahil sa wakas ang katabi niyang matandang tumatawa sa ulan ay ang Nanay niyang matagal na niyang hinahanap -- Yung babaeng nakatingin sa salamin ng bintana habang patuloy sa paglayo ang bus na lulan nito; yung huling pagkakataon na nagkita sila. Sa wakas aalis na siya sa lugar na ito at maninirahan kung saan tanggap ng lipunan ang mga taong masayang umiindak sa saliw ng mga tugtugin. Sa wakas.



(Ito po ay isang produkto ng ehersisyong aking pinatulan mula sa libro ng magiting na manunulat, Boss Ricky Lee, ang Trip to Quiapo. Para sa kabouang diskripsyon maaari niyo po akong sundan sa wattpad: Nang Dahil Sa Pag-indak )

Saturday, January 31, 2015

Take Note

Naririnig ko nanaman siyang nagtatanong. At take note, maya-maya lang meron na siyang pagbibintangan. O di kaya naman meron nanaman siyang inosenteng mapapagalitan. Ewan ko ba diyan sa amo ko, hindi pa naman matanda pero kung atakihin ng pagka-ulyanin daig pa yung lola niya. At take note ha, hindi lang yan ulyanin, tatanga-tanga din yan kung minsan. Pero take note, matalino naman siya, nakakalimutan niya lang siguro gamitin kung minsan. I-take note niyo yan.


Siguro na-iirita na kayo sa kaka-ulit-ulit ko ng salitang “take note”, o kung hindi man, panigurado ako maya-maya lang maiirita na kayo. Hihilingin kung pagpasensyahan at maintindihan niyo sana ako. Iyun kasi ang trabaho ko, ang mag-take note. Pero dahil nauunawaan kung madaling mairita ang mga katulad niyong nilalang sa mga bagay na paulit-ulit, babawasan ko ang pag-gamit ng “take note”. Take note ha, babawasan ko ang ‘take note’.


Pero teka, hindi tungkol sa akin ang note na ito. Tungkol ito sa amo ko, na ayun nga, nagsisimula ng pagbintangan yung kapatid niya. Kesyo siya daw ang huling gumamit sa akin. Take note o, tingnan niyo, maya-maya lang iinit na ang ulo niyan. Pero ang totoo, nandito ako. Naka-ipit sa isang papel na nasipa sa ilalim ng aparador niya. Take note, siya rin mismo ang nakasipa sa akin. Mabuti nalang hindi ako kagaya niyo na kailangan huminga para mabuhay, kundi kanina pa ako patay.


Kaloy. Yan ang pangalan ng amo ko. At ako, ako ang dakila niyang partner sa buhay. Ako ang mumurahing ballpen na nabili niya sa National Bookstore. Pero mumurahin man ako, maganda naman ang serbisyo ko. Hindi ako nagtatae, at take note, kahit ilang beses na ako nailaglag ni amo, hindi parin pumapalya ang tinta ko. Kahit itapat niyo pa ko dyan sa mamahaling Pilot o Parker, alam kong may ibubuga ako. Take note! Iba ata ako, am the best ballpen you can ever have. Yun nga lang kahit anong ganda ng serbisyo ko kung ulyanin naman ang amo ko, malamang hindi pa ubos ang tinta ko e tapos agad ang purpose ko sa buhay niya. Balita ko kasi, ilang mga katulad ko na ang naisadlak sa di malamang lugar ni amo Kaloy. At natatakot akong matulad sa kanila.


Gusto kong mapaglingkuran ng lubos si amo. Ayokong mawala sa buhay niya ng hindi nauubos ang aking tinta. Isa pa, gusto ko yung mga salitang inilalabas niya sa pamamagitan ko. Yung mga kwento niya, yung mga tula niya, yung mga saluobin niya. Gusto ko pang makita ang mga letrang ilalabas niya. Kaya lang ilang bes na niya ko muntik maiwala e, at nangangamba ako.


Gustong-gusto ko pa naman si amo. Mahilig kasi siya magsulat. At isa pa, kahit maiksing mga pangungusap lang ang isusulat niya, tagos naman. Kung gaano siya kadiin magsulat, na halos bakat ang mga letra sa limang pahina, ganun din bumabaon ang mga sulat niya sa mga nakakabasa dito.


Madalas magsulat si amo ng mga kwentong bunga ng kathang isip, pero nung minsan, nagsulat din siya ng base sa totoo niyang buhay. Hindi ko ‘yun makakalimutan kasi sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin, mabuti nalang at hindi niya ako nabali. Tingin ko naman nung mga panahon na ‘yun, hindi siya galit. Pero malungkot siya at nasaktan siya. Wala man akong nakikitang dugo o luha sa kanya, base sa mga letrang inilalabas niya nung panahon na ‘yon, alam kong duguan at luhaan siya.


Yun kasi yung panahon na nakipaghiwalay sakanya yung girlfriend niya. At nung mga panahon na yun, mas madalas kaming magkasama ni amo. Take note, gamit na gamit niya talaga ang mga tinta ko.

E kasi naman etong si amo, dapat matagal na niyang hiniwalayan yang lapastangan niyang girlfriend. Kahit kailan hindi naman siya sineryoso nung impaktang yun. Wala ngang pakealam yung babaeng yun sa mga isinusulat niya e. Dun palang dapat naramdaman na ng amo ko na hindi seryoso sakanya yung babaeng yun.


Ewan ko ba dyan kay amo Kaloy. Tulad nga ng sabi ko, matalino naman siya, minsan nga lang nakakalimutan niyang gamitin. Ayan tuloy nasakatan pa siya, at take note ha, hanggang ngayon hindi pa niya nakakalimutan yung ex niya na yun.


E kung ibinabaling nalang kasi niya ang tingin niya sa bestfriend niyang si Margie, edi sana, happy na siya. Kaya lang tatanga-tanga. Naku, kung kaya ko lang batukan si amo, nabobo na siguro talaga yan! Mabuti nalang hindi ko kaya. Sayang naman yung natitira niyang katalinuhan. Pero sana no, gamitin niya.


Hindi ba niya napapansin yung totoong damdamin sakanya ni Margie? Ako nga na walang puso na tumitibok damang-dama yung pag-ibig ni Margie sakanya, siya pa kaya? O sadyang manhid lang si amo?


Kung sabagay, hindi ko rin naman malalaman yung totoong damdamin ni Margie sakanya kung hindi ako napunta sa pangangalaga nito ng isang linggo.


Nung isang bes kasi, naiwan ako ni amo Kaloy sa bahay ng bestfriend niyang si Margie.
Dun ko nga nalaman yung totoong damdamin ni Margie para kay amo. Sa ilang pahina ng notebook, isinulat niya ang damdamin niya para kay amo Kaloy. Hindi ko alam kung pang-ilang beses na ba niyang naisulat ang pagmamahal na iyon, pero napansin ko, halos mapupuno na ang notebook na ‘yun. At hindi ko alam kung lahat ng mga naisulat duon ay patungkol kay amo, pero sa buong isang lingo kong pananatili kay Margie, puro patungkol kay amo ang isinulat niya gamit ang mga tinta ko.
Kung alam kaya ni amo Kaloy ang damdamin ng bestfriend niya sa kanya, mababago ang sitwasyon niya?


Kung mababasa kaya niya yung mga sulat ni Margie, magiging masaya na sila pareho?
Ewan ko ba sa mga katulad niyong nilalang, ganyan ba talaga kayo? May bibig naman kayo pero bakit kailangan niyo pang gamitin ang mga katulad namin para ipahayag ang damdamin niyo? Nagsasalita kayo gamit ang mga tinta at naipapahayag niyo bang talaga kung hindi naman ito nababasa ng nilalang na tinutukoy ng mga bawat letrang sinusulat ninyo?


At ako? Makikita pa ba ako ng amo kong naghihimutok na sa inis dahil hindi niya alam kung nasaan ako? Pero andito lang ako! Naka-ipit sa papel sa ilalim ng lintik na aparador na ‘to na siya mismo ang nakasipa. At ayoko dito!


Pakisabi naman kay amo Kaloy na wag siyang titigil sa paghanap sakin, at wag kamo siya bibili ng bagong ballpen sa National Bookstore o kahit sa bangketa dahil andito lang ako. Hindi pa ubos ang tinta ko. Hindi pa tapos ang serbisyo ko. Gusto ko pa siyang makasama. Gusto ko pang masaksihan ang mga letrang ilalabas niya.



Pero kung hindi niya ko makita, siguro hindi na ko magtataka. At siguro maiintindihan ko siya. Take note ha, kung yung damdamin nga ni Margie hindi niya makita, ako pa kaya? 

Tuesday, September 24, 2013

Love Fool

(Ang maikling kwento ni BEMBONG)


Uyyyy, eto nanaman!!! Nakita ko nanaman siya. ‘Tong babaeng lagi kong nakakasabay sa bus. Well, trice a week technically. O pwede rin nating sabihing tatlong bes ko lang alam  na kasabay ko pala siya. Maari kasing hindi lang pala ako aware na kasabay ko pala siya.

Ayun, as usual, ang ganda niya pa rin. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Tatlong taon ko na siyang nakakasabay sa pagpasok pero ganun pa rin siya kaganda tulad nung una ko siyang nakita. Haay, hindi siya nakakasawang tingnan. Sayang nga lang, nauuna akong bumaba sakanya. Kaya hindi ko tuloy alam kung saan ang destinasyon niya. At hindi naman ako stalker, at no way! Hindi ko siya lalapitan! Baka isipin niya pa may gusto ako sakanya. Nagagandahan lang ako sakanya, yun lang.

Pero nung isang araw, napansin ko, tinititigan niya ko. Aba, kada tingin ko ba naman sakanya e nahuhuli ko siyang nakatingin sakin. Naisip ko tuloy may mali sa itsura ko. Hala, sino ba naman ako para tingnan niya ng matagal diba. Hindi kaya napapansin na niya na ako yung lalaking lagging nagpapa-upo sakanya kapag natataong standing na sa bus pagsakay niya? Nakakahiya naman. Mahahalata niyang may espesyal na atensyon ako sakanya. Tulad ngayon, nakatayo nanaman siya. Parang ayoko muna siya paupuin. Distansya muna. Masyado na ata akong obvious. Hindi rin naman kasi marunong magpasalamat tong babaeng to. Siguro yung ngiti na niya yung pasasalamat niya. Pero pasensya na muna miss ganda, hindi kita papaupuin ngayon. Baka nag-a-assume ka na dyan e.

Haay, paano kaya kung makasabay ko siya tapos kasama ko yung girlfriend ko. Sino kayang mas bibigyan ko ng atensyon sakanila? Hindi ko alam, pero sana yung girlfriend ko, kasi nga, girlfriend ko siya. Pero sana nalang wag ako malagay sa ganung sitwasyon, baka kasi mapansin ng girlfriend ko yung pagsulyap-sulyap ko dun at pagmulan pa naming ng away. Alam niyo naman ang mga babae diba.

Teka, e bakit parang may mga namumuong luha sa mata ni miss ganda? Luha ba yun? Baka naman naghikab lang siya. Ow freak! Umiiyak siya. Ano kayang nagyari sakanya? Naku, kung kelan naman ayoko siyang paupuin, dun pa ata niya kelangan ng comfort. At hindi ko to pwede palampasin, I feel the urge to comfort her. I know she needs it.

Ano bay an, kakasabi ko lang na ayoko siyang lapitan e, tapos eto ako, tatayo para lapitan siya.
Okay, hingang malalim. “Ahh miss, dito ka na o. ikaw na umopo dito. Mukang hindi ka ok.”
Ayan nanaman ang walang kupas niyang ngiti. Ngumiti lang bilang pasasalamat. Sana manlang mag-thank you siya. That would start a conversation.

O sige, hihirit pa ko ulit, “Ahh ok ka lang ba? May nangyari ba?”
Nguniti at umiling? Ayaw niya ba talaga akong kausap? Ang suplada naman nito. Ah, baka naman may pinagdadaanan lang talaga.

Sige isa pa, last na to, pag di siya sumagot, end of conversation, kahit wala naman talagang conversation. “Wag mo yang solohin, ishare mo yang nagpapalungkot sayo. Makakatulong yun para gumaan ang pakiramdam mo.”

Ngumiti siya ng pilit, ibinuka ang bibig. Sa wakas! Kakausapin niya ko.
“WALA ‘TO, NALALA KO LANG YUNG BOYLET KO.”

iwanticewater.wordpress.com
Teka sino yung sumagot, yung lalaki bas a likod ko? Yung lalaki sa tabi niya? Anak ng pu&%@#!@#$@! Kay miss ganda bang mga tinig yun? Walanghiya, tinalo pa yung lalim ng boses ko a.


Anak ng pusakal. Lalaki tong miss ganda na to? Anak ng p@#$%#$@^&&!!! Tatlong taon???!! Tatlong taon akong nagoyo? Anak ng walanghiya!!! Isa ata to sa mga sumali ng SUPER SEREYNA! Arggggggg!!!! WOOOH! Sarap manuntok.

Makababa na nga, lilipat ako ng ibang bus. Anak ng, kahit malate ako, lilipat talaga ako ng bus, wag ko lang makasabay tong anak ng, manlilinlang na to.

Wooooooooooohh!! Badtrip na araw to!! Gusto ko bigla umabsent!!!





(Note: Pasingtabi po sa mga matatamaan, kung meron man. Eto po ay halaw sa opinyon ng isang character dito sa istorya. Maaring nagyayari sa totoong buhay. At ito ay isang pangyayari lamang. Kung meron mang masaktan, patawad po. Naglalahad lamang ako ng istorya, base sa reyalidad ng buhay.)

P.S. Si Bembong ay magsusulat na din mula ngayon. :)

Sunday, March 11, 2012

Wake Up!

Wake up!

by: Shella Salud



"Gina!!"
“Gina!!!”
“Gina, wake up! You’re gonna be late!"

Those were the last words I heard from my mom. If I only knew, If I only had the chance to know what’s going to happen, then I would have kissed her instead of yelling at her. I would have hugged her real tight and tell her how she really means to me, how important she is in my life.

I was always angry at her, in everything she does concerning my life. I never even wanted to see her.



It was a Thursday night when we had a fight, well I guess for a million times that night. We were arguing about Benny, my boyfriend. She said he’s not the right one for me. And who was she to say that? She doesn’t know even a single detail, of how I live my life outside this house. She said that Benny will just ruin my life and I must break up with him.

I completely got angry. I told her that if I were to choose between Benny and her, I will never ever choose her.In fact, I was never really happy with her. I am happy with Benny. She never liked Benny because he’s a fraternity leader, and he already had a record of committing theft. But I love him, well I thought,

“I love him more than I love you mother! So don’t you dare tell me what to do with our relationship, because you don’t even know a thing about how I feel."

That’s when she slapped me real hard. I was ready to take my revenge by pushing her but then I remember that she’s still my mother. So I just went inside my room while yelling “I wish you leave me alone!” Then I heard her cry. Trying hard to make a silent cry.

After that night, she woke me up.
"Gina!!"“Gina!!!”“Gina, wake up! You’re gonna be late!” 
Without any words, I left the house. I never spoke to her.

I was busy in the class, listening to the teacher in front of me, discussing how hydrogen works in the so called mold remediation, until a teacher interrupts us and told that she needed to speak with me.
I thought it was about something I’ve done wrong but then outside the room, she said that I need to go to St. Martin Hospital. My mom had an accident. She got bumped by a truck while walking by the side walk.
I was shocked.

I forgot the detail how I arrived at the Hospital. All I remember was me seeing my mom, unconscious, with bruises all over her body. I cried. I prayed.
The doctor said she’s in a coma, they can never tell if she’s going to wake up or not.
I cried, thinking how sorry I am for being a rude daughter. It’s not true that I would choose Benny instead of her. Because right now, I want her to wake up. I would choose my mother. In fact, I would give my life, just for her to be alive. I don’t care if I wont ever see Benny again, just please God I want my mom to wake up.
“Mom, wake up! wake up!”