Hindi ko alam kung naiintindihan mo,
Ang alam ko sinubukan ko ng ipaliwanag to
Sigurado akong noon pa'y narinig mo na,
Hindi kasintahan ang aking hanap diba.
Hindi maikakailang ika'y kahanga-hanga
Sakanilang pamantayan ikaw ang lamang
Ngunit giliw, hindi ito ang aking kaylangan
Hindi ikaw ang tugon sa aking dasal.
Kung kasintahan lang naman ang hanap ko
Ang kamay mo'y matagal ko ng hawak-hawak
O di kaya'y nagtapos na tayo ng walang galak
At mabibilang ko kaya kung naging ilan kayo?
Ngunit kabiyak ng dibdib ang aking hangad
At kung hindi ko tinugon ang iyong pagsamo
Giliw, ano pa ba ang ibig sabihin nito?
Sa iyong pagunawa, mamumulat kang mapalad.
No comments:
Post a Comment