Kapag dumating na ang God's best mo, maaring ikaw ay magtanong..
"Lord, siya na po ba talaga? Lord, bakit siya?"
Maaaring ika'y magduda at maaring ika'y magtaka
Ngunit, sana'y magtiwala ka.
Kapag dumating na ang God's best mo, wag ka sanang makampante..
Patuloy mo siyang ipanalangin umaga at gabi..
Alagaan mo yung pusong ipinagkatiwala niya sayo..
Kapag dumating na ang God's best mo, at hawak mo na yung kamay niya sa palad mo..
Mangako ka na walang luha na pupunasan ang mga iyon.. sanhi ng pait at sakit sa iyong piling..
Kapag dumating na ang God's best mo, siguraduhin mong alam na niya ang buong detalye sayo..
Huwag ka magtangkang maglihim, maliit na bagay man iyon..
Maging panata mo sana ang pagsasabi ng totoo..
Kapag dumating na ang God's best mo, mas makikilala mo siyang lubos..
Malalaman mong hindi siya perpekto at malamang may ugaling kaiinisan mo..
Pero sana huwag kang bumitaw..
Kapag dumating na ang God's best mo, may mga pagdadaanan din ang relasyon niyo..
At sa pagiibigan niyo dapat Diyos ang sentro,
Kung hindi, malamang guguho kayo..
Kapag dumating na ang God's best mo, maaring ang mundo'y magdiwang at maaaring may magtaas rin ng kilay..
Alin man dun ang maging reaksyon nila, sa Diyos lang ang tingin niyong dalawa..
Kapag dumating na ang God's best mo, maari bang huwag kang makalimot?
Wag mong iwawaglit sa'yong isip na siya yung pinangarap mo..
Ni 'wag mong kakalimutang naging laman siya ng mga panalangin mo..
Kapag dumating na ang God's best mo, tandaan mo na siya ay God's best mo..
Hindi God's best ng Nanay o Tatay mo, o ng mga kaibigan mo.. Siya ay God's best mo.. Yung the best para sayo..
Saturday, September 23, 2017
Spoken Words Poetry: Oras
Nakikita mo ba ang orasan sayong likuran?
Nabilang mo ba ang pag ikot nito, mula nung pagsilang mo hanggang sa kasalukuyan?
O kahit, kaninang pagdating mo, hanggang sa nagyon? Nabilang mo ba?
Malamang hindi, at malamang…wala ka ring pake.
Pero kung tatanungin kita, kelan ang iyong kapanganakan?
Sigurado akong alam mo ang kasagutan..
At kung tatanungin kita, kung ikaw ba'y ligtas na,
Sa tingin ko nama'y lahat tayo dito'y Christian..
Kahit na ang totoo'y ikaw lang ang makakasagot niyan..
Kung miyembro ka ng Curch of Jesus Christ, palasak na sayo ang Salvation..
Sampu, isang daan, limang daan, ilang bes na ba tong dumaan? Sa tengang mong sadya bang may natandaan?
At kung meron man, nasan?
Kasi kung nakatanim sa puso't isip mo,
Ang nalalaman mo tungkol sa Salvation..
Hindi maaring kontento kang ikaw lang!
Ibabahagi mo to sayong magulang!
Kapatid, kamag-anak, kaybigan..
Kapit-bahay, katrabaho, maging sino man yan!
Kaaway man o punagkakatiwalaan..
Ibabahagi mo na si Hesus ang kaligtasan!
Kapatid, paalala ko lang naman..
Hindi lang 'to para sayo, maging ako ay tinatamaan..
Kung sa piling ni Hesus, ika'y masaya..
Bakit hindi mo Siya ibinahagi sa nakasabay mo kanina?
Kung naramdaman mo ang pagmamahal Niyang nag-uumapaw..
Bakit yung taong nanakit sayo, hindi mo mabahagian at mapatawad?
Kung natutuwa kang sa langit ay mapupunta ka,
Bakit yung tatay mo, hindi mo isama?
At yung lahat ng taong iyong nakilala?
Hahayaan mo bang sa impyerno sila mapunta?
Hahayaan mo bang di nila madama
Ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa buhay nila?
Hahayaan mo bang maging bulag sila
Sa katotohanan na alam mo naman pala..
Pero pinipili mong i-isang tabi muna,
Dahil sa tingin mo'y ang oras ay mahaba pa..
Dahil hindi ka pa handa at nahihiya ka..
Kelan ka magiging handa, pagsila'y wala na?
Kapag huli na ang lahat at sila'y nakabaon na sa lupa!
Kapatid sayang! Sayang yung oras..
Sayang yung mga pagkakataong,
Dapat nakilala na nila yung Kaligtasan..
Sayang yung koneksyon o relasyon na meron ka sakanila..
Dahil hindi mo sila naikonekta sa Diyos na meron ka!
At sa huli, haharap ka..
Maaring tanungin ka ng Diyos kung bakit di mo sila kasama..
At maaring makita mo sila..
At tatanungin ka nila kung bakit hindi ka nila kasama..
Kung bakit hindi mo ibinahagi sakanila
Ang katotohanan ng Bibliya?
Gayung sa lupa, kayo ang magkakasama..
Sabi nila, wala ng pagtangis sa langit..
Pero para sakin iyon ay masakit..
Na ikaw ay kapiling ng Diyos at sila'y hindi..
Hindi ko alam kung paanong ang sakit na yun ay mapapawi..
Kaya kung sa tingin mo, marami pang oras..
Kapatid, maari bang tumingin ka ulit.
Hindi lang para sayo napako si Kristo.
At hindi mo hawak ang oras ng mundo.

Spoken Words Poetry: Babalik Ako sa Dating Ako!
Ang sakit... Ang sakit-sakit!
Pero kulang… kulang ang mga salitang yun para maipaliwanag ko kung gaano kasakit ang mga salitang binitawan mo sa akin…
Hindi sapat ang mga salitang 'to para malaman ng mundo kung gaano ako nasasaktan ngayon...
Hindi naman paminta ang puso ko pero durog na durog ito... Babe, bakit mo dinurog?
Ano bang pagkakamali ko?
Bakit ipinagpalit mo ko?
Oo nga pala, perpekto ang kurba ng katawan niya!
Pero diba, ako naman yung mahal mo?
Alam mo kasalanan mo naman to e… kasalanan mo kung bakit ang taba-taba ko ngayon!
Kada labas natin, halos lahat ng kainang madaanan, lagi mong sinasabi, 'babe, tara kain tayo unli rice o!'
Kahit hindi ako gutom, babe... Kumakain ako para masabayan lang ang kasibaan mo!
Dahil gusto ko, sabayan kumain ang taong mahal ko...
Natatandaan mo pa ba? Kapag may nababalitaan kang promo sa mga restaurant? Sinusundo mo ko sa bahay para puntahan natin, kasi nga kuripot ka din... Gusto mo maka-lamon ng marami pero sa murang halaga... Babe, tinanggap kita... Tanggap kong matakaw at kuripot ka...
Pero bakit ngayon parang ako pa ang nagkulang?
Kasalanan ko ba kung naging mataba ako dahil sa pagmamahal ko sayo?
Babe... Saksi ka sa katawan kong mala-coca-cola... Sana sinabi mo nalang na yun pala ang gusto mo… Edi sana, pinanatili ko sa ganung estado ang katawan ko...
Sana sa bawat tatlong ulit mo ng kanin, nag-half rice lang ako...
Sana sa bawat order mo ng chicharon, nag-monggo nalang ako...
Sana, imbes na sinulit natin ang Wednesday promo sa Starbucks, nag-tsaa nalang ako…
Kasi babe, kung alam ko lang na ipagpapalit mo ako, dahil sa katawan ko, magtitiis ako para lang hindi lumobo! At para di ka na nanloko...
Pero ginawa mo na!
Iniwan mo na ko at ipinagpalit...
Nasa harap mo na ang lechon,
pero pinili mo pa rin ang hipon...
Sige, tatanggapin ko ang naging desisyon mo...
Kahit minsan iniisip ko na kaya ba 'babe' ang napili mong tawagan natin dahil plano mo to?!
Pwes, papalayain na kita... Katulad ng pagpapalaya ko sa mga bilbil sa ilalim ng baba at tyan ko..
Kakalimutan kita... Kasabay nang paglimot ko sa mga listahan ng kainang may unli rice..
Iiwasan na kita... At lahat ng matatabang putahe na ihahain sa aking harapan..
At kagaya ng mga alaala nating matatamis, itatapon ko ang lahat ng sweets...
Tatakbo ako palayo sayo, at gagawin ko yun araw-araw dun sa oval na malapit samin...
At sa halip na alak ang inumin ko dahil sa sobrang sakit ng ginawa mo, tubig na may lemon ang lalaklakin ko...
At isang beses sa isang linggo, makikipaglaro ako ng badminton dun sa crush ko!
Lahat nang mga 'to, gagawin ko kahit maka-move on na ko sayo... Hindi ko na uulitin ang istorya natin..
Ibabalik ko ang dating ako... Yung dating ako, bago pa kita nakilala... Aalisin na kita sa sistema ko... Ngayon naisip ko, wala ka naman palang naging magandang dulot... Salamat sa Diyos dahil wala nang 'tayo' at ginising Niya ako... Panahon na para bumalik sa dating ako... Pero tandaan mo, hindi na ako babalik sa iyo! Magsama kayo ng hipon mo!

Subscribe to:
Posts (Atom)