Showing posts with label love and relationship. Show all posts
Showing posts with label love and relationship. Show all posts

Monday, August 10, 2026

Spoken Word Poetry: The curse of not choosing you

You haunt me not only in my dreams

But your shadow follows me even on the newly released songs of a band I just heard the name for the first time

No

Even on the songs of my favorite band I knew since high school

I

Can't 

Unheard

You


The meaningless now shouts in my face saying look at me

That even the phrases I read in the novel I hold in my hands remind me of you

No

Even on the memes I see on the internet undoubtedly scream your wholeness

I

Can't

Unseen

You


Not only I am haunted by the life that could have been with you

But that every time I cry, your image will always follow as if you are comforting my brokenness

No

Even when I'm in my happiest I think of you and hoping you too are in your joyous state

I

Can't

Help

But

Pray

For

You


You made me question my sanity yet now I know what I can be capable of

That I sometimes stay away from books, music, and arts for they only gravitate me more to the thoughts of you

No

Even when I am alone and sitting with silence, you will be the whispers I can't run from

I

Can't

Untie

Your

Being

From

Me


This is the curse of not choosing you

No

This is the gift of knowing you because part of me is so grateful

That

I

Can

Always

And

Forever

Write

About

You

Tuesday, May 5, 2026

Narinig mo, Ngunit hindi

Nung gabing sinabi mong ako'y iyong mahal

Tumawa lang ako, 

At marahil, nasaktan ko ang inipon mong lakas ng loob


Ngunit, muli, binasa mo akong mali

Dahil sa maiksing halakhak ko, 

Duon nakapaloob ang lahat ng aking emosyon


Narinig mo ang tinig na tumatawa

Ngunit hindi ang pusong nadudurog

O nagtatanong ng paano na?


Ngayon mo sabihin sa akin,

Paano mo iibigin nang walang hanggan

ang taong 'di mo naririnig pag siya'y walang imik?

Wednesday, April 22, 2026

Pangalawang Pinakamataas na Uri ng Pagmamahal Part 3

Alam mo bang may mga tanong akong alam kong ikaw lang ang makakasagot?


Alam ko.


Kaso madalas ang mga sagot mo, dinadaan mo pa sa bugtong. 


Ako ba yun? O ikaw?


Ewan ko sa'yo.


Marami tayong pagkakapareho, isa na siguro yun.


Alam mo bang sa dami ng pagkakapareho natin, mukang niyayapakan ko 'yung mga niyayapakan mo dati. 


Naku, 'wag. 


'Wag ka mag-alala, kagaya mo, nawawalan na din ng bisa ang kryptonite sa akin.


O e ano tayo niyan, superhero?


Siguro, pero mas bagay yun sa'yo. I've witnessed how good your heart is. Sa akin, hindi pwede, mas pipiliin ko ang tahimik na buhay, hindi ko aagawan ang Diyos sa trabaho Niya, kaya hindi ko pagaaksayahan iligtas ang mundo.


Alam kong sa kaya mong paraan, nakakapagligtas ka rin. Kilala din kita, kilalang-kilala at nakita ko 'yun.


Sus, kahit normal na tao, kaya 'yun gawin.


May gusto ka pa bang itanong?


Madami. Sobrang dami. Sabi ko nga niyayapakan ko yung mga niyayapakan mo dati. Para kong nasa maze na nangangapa, namumulot ng mapa sa daan na parang ikaw ang huling humawak. Lagi na lang may WTF na para bang di na ko nasanay. Gusto kita makausap... ng personal.


Sige, tara dito sa Toronto.


Huli na, wala na ko sa maze. Sa tulong ni Frank, para akong si Max sa I moved Your Cheese na nakawala sa maze.


So, wala ka nang tanong?


Gusto ko sana makakwentuhan ka sa bagay na 'tu na para lang tayong ngumunguya ng mani. Ang WTF di ba? I mean, alam kong may isang tao out there na makakakwentuhan ko sa parehong bagay na napagdaanan namin. Dalawang weirdo nag-uusap, parang ganun.


Niyaya kita sa Toronto.


I have Frank.


Ako ang may tanong.


Shoot it.


Bakit 'di ka naghintay?


The same reason why you chose your passion over me.


---


Don't worry. It's perfectly fine. I completely understand. Napakagandang rason 'yun para talikuran ang isang tao.


So, ito na 'yung closure natin?


Siguro. Pero gusto ko lang din sabihin na kahit kailan ata di ko magagawang magpaalam sa'yo. You are the only person I know out there na kapareho ko o parte ng mga misteryo ko. Nung time na una kitang nakilala dun sumirko-sirko ang mundo ko. Gusto kong idecipher kung bakit. Pero baka mapunta na naman ako sa lugar na di ko gusto. Isa pa, nung panahon na 'yun? May mga nasaktan ba ako o may mga naagrabyado dahil sa kaguluhan ng isip ko resulta ng mga maling pagiimbestiga? Kaya mo bang sagutin 'yun?


Huwag ka na bumalik dun. Tapos na ang pagiging imbestigador mo. Iba na ang career mo ngayon. Sabi mo nga, kagaya ng pagliligtas sa mundo, hindi mo trabaho 'yun.


Just at least let me know if I owe someone an apology. Do I owe you an apology?


---


Sige, sabihin mo na lang kung kailan ka handa. So, are you seeing someone? Nakita mo na ba ang mag-aalay sa'yo ng pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal and vice versa?


Ikaw nakita mo na ba?


I'll be lying kung sasabihin kung wala kay Frank.


Then I'm happy for the both of you. Genuinely. I'll have a favor to ask for, though.


Sige lang.


I'll get married next week. Hindi na kita makakausap na ganun ka dalas.


A-ano ka ba, wag mo na pagandahin. Iwasan na kita. I know. I understand. Baka mamisinterpret yung friendship natin. Best wishes. Genuinely. Nauna pa kayo ikasal sa amin ni Frank.


Friendship? Hindi lang friendship 'tu para sa akin. Ikaw---ikaw ang pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal ko, Sheriez. Now, I don't care kung hindi ako yung sa'yo, basta ikaw 'yung sa akin. Napakamanhid mo.


---


'Wag mo na 'yun alalahanin. Hindi ko naman sina-- O, e ba't tumatawa ka?


Papunta na tayo sa teleserye. 🤣 Anyway, hindi ako manhid. Nararamdaman ko lahat, napapansin ko lahat. Kaso, naaalala ko yung gabing 'yun, ayoko lang magkamali ulit o 'di ko mamalayang may masaktan. Kaya simula nun, unless marinig ko mismo sa tao ang totoo, wala akong ibang paniniwalaan kahit may napagtatagni sa isip ko, i-iisang tabi ko yun at ituturing na kathang-isip.


Ngayon, narinig mo na. Hindi na 'yun kathang isip.


---


Sige na, maliligo na ko. Ikamusta mo ko kay Frank.


Ito na ang huli kong tawag sa'yo, Rogel. Gusto kong irespeto ang magiging pagsasama niyo ng magiging asawa mo.


---


Hanggang sa muli, Rogel. Ingat.


---


-------

Sunday, April 5, 2026

Pangalawang Pinakamataas na Uri ng Pagmamahal Part 2

'Di ba favorite mo 'yung One Piece? 


Oo. 


Bakit wala kang reaksyon, e sikat na sikat sa mga memes 'yun kada may ilalabas na update. 


Wala namang humihingi ng reaksyon ko. Saka walang makakaunawa. 


Try me. 


Saang part ba? 'Yung recent?


Sige, magsimula tayo sa recent. 


Well, I think, para sa ibang level ng pang-unawa, love triangle si Imu, Joyboy, at Lily. Pero on a deeper and wider perspective, Imu represents a controlled world, a systematic world na siguro gusto niyang pamunuan, while Joyboy represents freedom, world without walls, no one can dictate you to pay taxes or be in a 9 to 5 job kasi may mga pananim ka sa tabi ng bahay mo na pwede mong pitasin once magutom, or mangisda sa dagat kung gusto mo, anytime pwede ka umakyat ng bundok, you are always close with the nature. Kasi admit it or not, sino lang ba ang higit na nakikinabang sa mundong controlled at systematic? It's like the moment you were born, bound ka na maging slave ng crineate nilang sistema.


So, kaya may void century? 


Yes, I think so, sa pagpili ni Lily kay Joyboy, which is freedom, nagkaron ng malayang mundo. 'Yun 'yung century na inalis nila sa history. 


Ah, pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal. 


Ha? Hmm... Nakonek mo pa 'yun? 


Huwag mo sabihing nakonek mo 'yan lahat, tapos 'yung simpleng connect A to B 'di mo napagtugma? Mali ako ng tawag sa'yo, kasi hindi ka naman tanga. Pero siguro hindi pa nag-eexist ang word na saktong idedescribe kung anong klase ka mag-isip o umunawa. 


So, mapanganib nga 'no? To the point na naclaim ni Imu ang tinatawag nilang the devil who rules the world.


Exactly. All because of Lily or all for Lily.


Kaya minsan, naiinis ako pag may meme na dumaan sa feed ko mocking the pain and heartbreak of Imu as if we've never been to that kind of pain. Naniniwala na ko sa sinasabi mong hindi humuhupa ang pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal. At siguro kaya sila tumatawa kasi rare nga lang 'yun.


Exactly. Sapat nang rare 'yun, biruin mo ilang century ang magiging void, kung hindi. 


Void lang naman siya kasi hindi na nilagay sa mga history books or inalis sa history. Pero I doubt na it was wiped out or obliterated.


So, that freedom is somewhere out there?


Yes.


A place where Imu is not welcome? 


A place where a changed Imu is welcome. An Imu who is embracing freedom as well and not power.


Pero may nakalimutan ka, he is carrying the second highest form of love for Lily. The Lily who chose Joyboy over him.


If he is indeed carrying the second highest form of love, di ba sabi mo kahit pa maging pag-aari ng iba ang puso ng mahal niya, mananatili lang ang pagmamahal niya, it's not the kind of love na ipinipilit. I remembered you said that clearly.


Oo nga, pero baka kasi I'm speaking for myself. Baka iba pala si Imu.


What? You are speaking for yourself? You are carrying the second highest form of love? Aba, aba, who's the unlucky girl? 


---


Wow, deadma. Well, kung igigive up ni Imu and desire nya to control the world and the power over it, tingin ko, ang matitira na lang talaga sa kanya ay 'yung pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal. And hindi na 'yun mapanganib.


Mapanganib 'yun. Sa tingin mo ba kaya lang yun naging mapanganib dahil sa desire nya sa mundo? Stand alone ang pagiging mapanganib ng pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal, katulad ng sinabi ko sa'yo. Kung sinasabi mong hindi na wipe out ang void century at binura lang sa history. Etong pagmamahal na meron si Imu kaya talaga 'nun gumunaw ng mundo para kay Lily.


Well, sabi mo baka you're speaking for yourself lang.


Hayaan na nga natin si Oda d'yan. Istorya niya 'yan. Kahit naman magbigay tayo ng mga teorya, siya pa rin ang gagawa at tatapos ng kwento ni Imu.


Tatanong-tanong ka, 'di ka pala ready sa sagot ko. The world ia not ready for my thoughts nor the way I think. Gawan mo ng one word yan. 'Tas yun ang itawag mo sa kung paano ako mag-isip o umunawa. 


Let's call it by your name then. Sherielize. You think sherielizedly, it enlightens and worries me at the same time.


Enlighten ba talaga? O siya, pababa na kami ng summit ni Frank, wala nang signal sa ibang parte ng bundok. Ingat ka d'yan. 


Ingat.


-------

Tuesday, March 24, 2026

Pangalawang Pinakamataas na Uri ng Pagmamahal

Alam mo yung pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal?


Parents' love. 


Hindi. 


Naranasan o natagpuan ko na ba yun? Kasi paano ko 'yan masasagot kung di ko pa pala yan naranasan. 


Antanga mo naman kung hanggang ngayon, hindi mo alam. 


Grabe ka naman, paano kung 'di ko pa nga naranasan, pagbibintangan mo pa kong tanga. 


I-explain ko sa'yo ha. Ang pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal ay 'yung mahal ka nang buong ikaw, hindi lang sa metapisikal pero maging ang kaluluwa mo. Uunahin niya ang kaligayahan o nakabubuti sa'yo bago ang sarili niya. Kaya niyang ialay ang lahat sa'yo, gawin ang mga bagay para lang masiguro na maganda at maayos ang kalagayan mo. 


Hindi ba 'yan parents' love? 


Hindi nga. Ang parents love nag-eexist dahil galing ka sa similya at egg cell nila, dugo't laman ka nila kaya ka nila mahal. Pero 'yung pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal, hindi natatali dun, o sa simpleng atraksyon, 'yung tipong kahit hindi ka nahawakan sa kamay, handang ibigay ang lahat sa'yo kesa hodang barabas pala ang nakaraan mo, kesa hodang hindi masuklian ang pagmamahal na meron siya, kesa hodang may ibang magmay-ari ng puso mo, kesa hodang mag-iba ang mga landas niyo, hindi hihinto ang uri ng pagmamahal na 'to. 


Ang martir naman nun. 


Hindi martir. Mapanganib. Kaya madalas hinahadlangan 'to ng langit. 


Bakit hahadlangan ng langit ang ganun kadalisay na pagmamahal? 


Dahil mapanganib nga. Just think of the possibilities na pwedeng mangyari kapag hindi nahadlangan ang ganung uri ng pagmamahal. 


Edi mundong puno ng pag-ibig. 


Mali, mundong puno ng paghihiganti at mundong hahayaan niya lang magunaw kung kapalit naman nito masaya at maayos ang buhay ng taong mahal niya. Mundong kahit kelan, kaligtasan mo lang ang pipiliin niya kahit gaano karami pa ang isakripisyo niya.


Oo nga, mapanganib nga. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ko o malulungkot pagnakatagpo ako ng ganyang pag-ibig. 


Bakit, tingin mo ba hindi ganuon ang uri ng pagmamahal sa'yo ni Frank? Swerte mo, pagnakatagpo ka ng pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal, bibihira lang yun, rare. Kaso, tanga ka, tingin ko kahit makatagpo ka nun, di mo mamamalayan. 


How sure are you na tanga ko sa bagay na 'yun? 


Kasi sa haba - haba ng explanation ko, 'di mo pa ding maamin na ikaw nga ay tanga nga. O siya, kunin mo na lang yung bisikletang 'to, maglalakad na lang ako pauwi, mataas ang gasolina ngayon dahil sa gyera sa Middle East, 'wag ka muna magmotor. 'Wag mo kalimutan yung helmet ha. Isuot mo at ayokong makapatay ng tao dahil lang nabangga ka at nabagok ang ulo mo.


Siraulo! Oo na, sige na! Hinihintay na ko ni Frank sa bahay. Ibalik ko na lang sa'yo pagnagroll back ang gasolina. 


Asa ka pa 'dun? Anyway, 'wag mo na ibalik. Pamana ko na yan sa'yo. Mamaya may flight ako pa Toronto. 


Ha? Pambihira ka. Bakit pamana? Di ka na ba babalik? 


Hindi na. Ano sama ka?


Siraulo!


Sige na, hinhintay ka na ni Frank. 


Seryoso nga iiwan mo na ang lugar na 'to? 


Kanina pa ko seryoso sa lahat ng pinagsasabi ko. Buti nga nagpakita pa ko sa'yo bago umalis. 


Siraulo! Buti kamo, sinipot kita. Panu pala kung hindi, edi--


Edi sesendan kita sa messenger ng sunset. 


Siraulo, di ko yun magegets. 


Tingnan mo, edi tanga ka talaga. 


Siraulo! 


Siguro nga. Isang tanga at isang siraulo, magkasama ngayon. 


...


...


Dalawin ka na lang namin ni Frank dun. 


Ikaw bahala. Sige na, may mga aayusin pa kong gamit, istorbo ka na.


Tse.


Seryoso, umalis ka na, sakyan mo na yang bike, wag ka na magpaabot ng dilim. O, yung helmet sabi, eto, o. 


Ingat ka sa byahe mo. Balitaan mo ko sa buhay mo dun sa Toronto. Hangad ko, kahit sinasabi mong mapanganib, makatagpo ka dun ng pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal.


Susubukan ko. 


Deserve mo 'yun.


Sige na, tutuloy na ko.


Kita tayo sa hinaharap.


Baka hindi na, masyadong mapanganib. 


Ha? Tingin ko naman huhupa na 'yung gyera. Lahat naman humuhupa.


Hindi ang pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal.


Sigurado ka?


Tandaan mo 'to, kahit tanga ka, ma--


Siraulo! Sige na, lumakad ka na nga. Paano, salamat dito sa pamana mong bike ha.


Ingat. 


Ingat.


....... 


....... 

Thursday, January 15, 2026

Oo

May isang enkwentro na ikwekwento ko sa'yo,

Nagusap kami ng taong pinagseaelosan mo, 

Ah, hindi ba? Okay, edi hindi, o siya,

Hayaan mong ituloy ko na nga ang istorya


May mga bagay kaming pinagusapan, 

Pero dun tayo sa highlight ng kwentuhan, 

Tinanong niya ko kung kaya ko ba siyang mahalin, 

Sa mahabang panahon o walang katapusan, 

Na walang ibang iibigin kundi siya lang, 


Sandali akong nag-isip at sumagot ng "oo" 

Ngumiti siya... O, teka, san ka pupunta? 

Sandali nga, at hindi pa naman tapos ang istorya, 

Sigurado ka? Sigurado kang ayaw mo na malaman pa?

Kung 'yan ang gusto mo, sige, umuwi kang luhaan, 

Pero kung ako sa'yo makikinig pa ko ng ilang minuto


Mamaya ka na kasi mainis, at basta s'akin ay makinig,

Kasi alam mo bang nakakatawa kung iyong iisipin,

'Di ba't ako'y sandaling nag-isip bago tumugon ng "oo"

Rumihistro sa isip ang basehan ng aking sagot na 'to

Isang tunay at dalisay na imahe ang malinaw na tugon

Nakita kita, at kung gaano katagal na kitang iniibig, walang iba

Oo, kaya kong magmahal ng walang iba, sa mahabang panahon, 


Giliw, ikaw ang basehan ng aking tugon.

Saturday, September 13, 2025

Tadhana

Kapag nakita mo akong nakatulala sa'yo

Mamili ka lang sa dalawa na maaring laman ng isip ko:


Una ay pagkamangha sa buong pagkatao mo

Na tila ba'y isang himala na naging isa ang ikaw at ako


Ikalwa ay bagabag at takot na baka tayo ay magtapos

Na baka dumating siya at ariin ang hinablot ko sa pagkakataon


Dahil giliw, hindi ko wari kung ito'y iyong alam,

Ika'y inagaw ko lang sa istorya ng iba, o sa istorya n'yong dalwa


Giliw, ginulo ko ang nakatakda niyong tadhana,

Nung ika'y aking hagkan at kailanman 'di na pinakawalan


At heto akong nakatulala sa'yo at hinihiling na sagutin mo:

Pipiliin mo ba siya kapag dumating na?

O mananatili ka sa panibagong istorya na tayo na ang bida?


Saturday, June 28, 2025

Warrior's Damsel

You knew what I have become,

that I'm tired being the damsel in distress,

that I've learned to fight like a warrior too, 

that I'm ready to bleed in the battle.


I have known what you are capable of, 

just to protect me at all cost, 

just to express the deepness of your love,

just to give me a beautiful life.


We were built for war and peace, 

the paradox of our realities,

or the reality of our paradoxes, 

the hurt among the comforts.


But please bear this in mind,

You, brave one, can also cling on me,

I, too, will do everything to protect you,

We can survive, for I will, bleed for you too.

Saturday, March 1, 2025

Maaari Ba

Kapag hindi na ako nagdudulot ng ngiti

Sa mga labi mong hindi ko na maangkin

Kapag hindi na ako ang laman ng isip sa gabi

O sa umagang di na ako laging kaparte

Na para bang ako'y nagsusumiksik,

Ipinipilit ang sarili na dati namang hindi. 

Maaari bang huwag ka nang magkunwari

Na ito'y normal, na tayo'y ayos pa rin. 

Kahit nakasampal na sa mukha natin

Na ang pagbabago ay talagang kay laki

'Yung mapapatanong ka "ba't ba ko nahumaling?"

Dahil limot na ng puso't isip 'yung dati,

Kung saan ang 'yong salita'y kay tamis at giliw,

Kulang ang oras at araw sa'ting paglalandi

Kung saan napapatawa mo pa akong maigi

Na wari ba'y ako 'yung mundo na iyong pinili

Walang iba, walang sila, tayo lang sa paligid.

Naalala na lang sa t'wing mapapatanong ng bakit... 

"Bakit ba 'ko nahumaling, ba't nagbago ka, giliw?"

Sunday, April 18, 2021

In the Middle of Day and Night


In the middle of day and night

I found you. 

Just when the darkness is slowly creeping in,

you showed up.

And as if you know what I'm going to need,

you did not hear me speak,

but you brought a torch to chase away the dark

--- to bring light in the darkest hour.


You said you were not the sun

but just like the moon

you'd be there in my darkest hour,

holding a torch in the dark

and My Love, I knew it now. 

And maybe I was wrong

that in the middle of that day and night, 

It was you... who found me. 

Saturday, August 1, 2020

Spoken Words Poetry: Marahuyo



Ito 'yung oras at panahon na nakangiti ka sa akin,
Oo, sa akin. At ako'y yumuko, 'di nakayang makipagtitigan sa'yo.

Ito 'yung bigla mong tinawag ang pangalan ko 
at ako'y lumingon ngunit 'di nakinig sa mga sumunod mong salita, pagkat nadidinig pa din ngalan ko sa iyong tinig. 

Ito 'yung unang pagkakataon na nagtama ang ating mga mata, at yung mga sumunod pa. Na pareho tayong umiwas, marahil ay nahihiya pa. 

Ito 'yung sa t'wing kasama kita na para bang walang halaga 'yung ingay ng mundo pagkat ikaw at ako at ang oras na 'to ay sapat na upang umikot ang ating mundo. 

Ito 'yung pagdampi ng labi mo sa aking noo, ilong o labi at ako'y yayakapin na tila ba nawala ang pagod at sumapat sa anumang nagkukulang. 

Ito 'yung kahit sa dami ng tao sa mundong ito tayo'y nagtagpo at umibig at sa isa't isa'y nanatili pagkat hindi lahat ay taglay ang marahuyong ito. 

Marahuyo ng pag-ibig na tanging makakamtan lang ng dalawang pusong handang tumupad sa pangako sa isa't isa at hindi bibitaw. 

Ito 'yung nagawa kong sumulat ng tula patungkol sa'ting dal'wa, kulang sa tugma ngunit sapat upang maunawaan ng pusong hanap ay hiwaga. 

Wednesday, April 8, 2020

Paano Mo Mamahalin?

Sabihin mo nga sa akin.
Paano mo mamahalin
ang isang taong alanganin?

Lumuluha ng lihim
Mga ala alang kay lalim
Sa paggising at panaginip,
sino ang sasagip?

Tumatawa't ngumingiti,
ngunit kailangan mo alamin
na siya'y may sugat palagi
Maghihilom o mananatili
Hindi niya masasabi.

Paano mo mamahalin?
Ang pag-ulan ay 'di niya nais
ngunit halimuyak nito'y kay tamis.
Sa sulyap ng araw siya'y magiliw,
ngunit kung minsa'y umaayaw din
Sa oo at hindi, siya'y alanganin.

Ngunit kung siya ang iyong tatanungin,
madali lang naman siyang mahalin.
Ang mahirap ay 'yung siya'y alamin.
'Wag nang tangkain ng pusong alanganin.
Pagka't ang sagot kung siya'y oo o hindi,
ay para lamang sa kanyang mamahalin.
Siya'y alanganin kung siya'y 'di mo mawawari.

Paano mo mamahalin?

Sunday, November 25, 2018

Pagod na ko

Pagod na ko.
Pagod na kong lumikha ng mga katha na nagbibigay kulay o buhay
Pagod na ko.
Pagod na kong umasa na may perpektong pag-ibig maliban sa Dakilang May Likha.
Pagod na ko.
Sa sobrang pagod ko, 'di ko na alam kung paano tumugma ang mga salitang sinasabi ng puso.
Pagod na ko.
Pagod na kong saluhin ang mga batong pilit nilang ipinupukol kahit anong ilag ko.
Pagod na ko.
Pagod na kong makinig, umimik, o makibaka sa mundong kailanman hindi naging patas.
Pagod na ko.
Pagod na kong ipagsigawan ang totoo dahil ako lang naman ang naniniwala dito.

Pagod na ko.
At sana, panandalian lang ang pagod na 'to.
Sana, maglaho ang bigat na nadadama at manumbalik ang kilala kong ako.
Pagod na ko.
Magpapahinga lang ako.


Disclaimer: Not a suicide note.

Thursday, May 17, 2018

Spoken Words Poetry: Kathang Isip

Heto na nga ba ang sinasabi ko...
Sabi ko naman sa'yo 'wag mo dagdagan ng 'forever' sa dulo ang 'i love you' mo.
Tingnan mo, unti-unti na tayong naglalaho...
Dahil sinta, totoo ang sinasabi nila: ang 'forever' ay kathang isip lamang.

Pero ganun pa man, nandito pa din sakin ang pag-asa...
Pag-asa na hindi tayo hahantong sa dulo ng tadhana.
Dahil sinta, minsan ko 'ding inakala na ang tulad mo ay kathang isip lamang.
Pero dumating ka at ako'y niyakap... minahal at tinanggap.

Pinatunayan mo na ang pinangarap kong istorya ng pag-ibig...
Ay makakamit sa reyalidad na aking kapit-kapit.
At ang iyong pagdating, ay nagdulot ng kulay at ngiti
Sa mga gabi at araw na dati'y lubos akong sawi

Ngunit sinta, anong nang nagaganap sa ating dalawa?
Tila binabawi mo na ang kulay at ngiti na iyong hatid?
Na kahit laksan mo ang iyong tinig sa pagbigkas ng mga katagang 'mahal kita'
Hindi na ito marinig ng puso kong ikaw lang ang ipinipintig
Kahit nadudurog na ito sa sakit na nadadama
Dahil tila ba'y may iba ka na, at ito'y aking damang-dama
Sabihin mo man na ito'y kathang isip ko lang
Alam kong ika'y nagdadahilan lang...
Sinisubukang lumusot sa mga paratang kong alam naman nating totoo.

Sinusubukan mong ilayo ako sa sakit..
Sakit sa katotohanang ako'y di mo na iniibig.
Ngunit kahit anong iwas pa ang iyong gawin
'Di mo maikukubli sa akin na meron nang pumalit.
Na kahit sabihin mong paulit-ulit na ito'y aking kathang isip
'Di mo na maiaalis na patuloy akong masawi
Sa 'twing nadadama ko ang yakap mo na hindi na ganun kahigpit...
Sa 'twing binibigkas mo na ako'y mahal mo, dahil dama ko na hindi na ito totoo.
Sinta, nagkakamali ka kung inaakala mong hindi ako madudurog sa pagpapanggap mo.

At kahit pa paniwalaan ko ang sinasabi mo, na ang mga duda ko sayo'y kathang isip ko
Duon pa din ang bagsak natin sa dulo
'Pagkat minsan nang naging totoo ang kathang isip ko
Di ba nga't dumating ka sa buhay kong ito?

Kaya sinta, maaari bang tapusin ko na?
Tapusin ang sakit na patuloy kong nadadama.
Kathang isip o reyalidad man na mayroon ka nang ibang sinisinta,
May dulo pa ding naghihintay sa ating tadhana.

At kahit may pag-asa pa sa aking natitira,
Na hindi hahantong sa wakas ang ating kabanata.
Mas gugustuhin kong ika'y maging masaya't malaya, kahit sa piling ng iba.
Sinta, maaari mo nang iwan ang kathang isip na binuo nating dal'wa.

Saturday, February 17, 2018

Spoken Words Poetry: Minahal Kita



Akala ko ikaw na. Akala ko, nakita ko na.
Pero totoo nga yata ang sabi nila --
Madalas mali ang akala.

Paano mo ko nagawang saktan?
Saang parte ba ako nagkulang?
A, oo nga pala, lagi nga pala akong kulang.

Ang dami mong inilihim sakin,
tapos sasabihin mong ako'y lubos mong iniibig? Nakakalito, dahil oo, naramdaman ko naman ito - yung sinasabi mong pagmamahal mo ng todo.

Kaya nga kita minahal ng lubos,
dahil hindi ka naman nagkulang
para ito'y lagi kong madama ano man ang aking kalagayan.

Pinahalagahan ko ang pagmamahalan natin,
dahil akala ko, nakita ko na nga ang kabiyak ng aking puso't damdamin.

At marahil ay wala ngang kabiyak ang puso ko… Meron siguro, pero puro pagpapanggap lang kagaya mo.

Bakit mo nga bang hinayaang umabot sa ganito, kung saan sobrang sakit na ang maidudulot ng ating paglalayo?

Minahal kita, e.
Nag-iisa ka sa puso ko,
kahit madaming lumalapit,
pinili kong sayo manatili,
dahil nga mahal kita
At pinapahalagahan ko ang sinasabi mong pag-ibig mo sa akin.
Ngunit ang totooy parte lang pala ng inyong plano.

Ano bang ginawa kong kasalanan sa inyo?
Pakisabi naman o!
Bakit kahit malayo na ako,
hinahabol pa rin ako ng multo niyo?
O marahil kayo ang takot sa sarili niyong multo.

Alam mo ba kung anong pinakamasakit?Pinakamasakit, ay ginago mo ako.
Ginago mo ang taong sinasabi mong mahal na mahal mo.

Kaya ngayon, iwan mo na ko,
bitawan na natin ang isa't isa.
Ayoko na ng larong sinimulan niyo.
Sapat na siguro ang sakit na idinulot niyo para masabing kayo na ang nanalo.
Kayo ng mga kakampi mo.

Ang tanga ko,
Ang tanga-tanga ko na pinaniwalaan ko ang huwad mong pag-ibig.
Mahal, minahal kita ng totoo at walang halong pagkahuwad iyon.
Oo sige na, kayo na ang panalo.

At itong mga salitang ito
'Tong mga letrang nababasa mo.
Para sayo talaga 'to,
Literal at ni di ko hinaluan ng pagpapanggap.

Mahal, bakit mo ginago ang taong sinasabi mong mahal na mahal mo?
Itinuring pa naman nating ang Diyos ang sentro ng pagmamahal mong huwad sa akin.

Minsan lang mapaamo ang lion,
Ngunit sino ba sa atin ang tunay na lion?

Saturday, September 23, 2017

Spoken Words Poetry: Kapag Dumating na Ang God's Best Mo

Kapag dumating na ang God's best mo, maaring ikaw ay magtanong..
"Lord, siya na po ba talaga? Lord, bakit siya?"
Maaaring ika'y magduda at maaring ika'y magtaka
Ngunit, sana'y magtiwala ka.

Kapag dumating na ang God's best mo, wag ka sanang makampante..
Patuloy mo siyang ipanalangin umaga at gabi..
Alagaan mo yung pusong ipinagkatiwala niya sayo..

Kapag dumating na ang God's best mo, at hawak mo na yung kamay niya sa palad mo..
Mangako ka na walang luha na pupunasan ang mga iyon.. sanhi ng pait at sakit sa iyong piling..

Kapag dumating na ang God's best mo, siguraduhin mong alam na niya ang buong detalye sayo..
Huwag ka magtangkang maglihim, maliit na bagay man iyon..
Maging panata mo sana ang pagsasabi ng totoo..

Kapag dumating na ang God's best mo, mas makikilala mo siyang lubos..
Malalaman mong hindi siya perpekto at malamang may ugaling kaiinisan mo..
Pero sana huwag kang bumitaw..

Kapag dumating na ang God's best mo, may mga pagdadaanan din ang relasyon niyo..
At sa pagiibigan niyo dapat Diyos ang sentro,
Kung hindi, malamang guguho kayo..

Kapag dumating na ang God's best mo, maaring ang mundo'y magdiwang at maaaring may magtaas rin ng kilay..
Alin man dun ang maging reaksyon nila, sa Diyos lang ang tingin niyong dalawa..

Kapag dumating na ang God's best mo, maari bang huwag kang makalimot?
Wag mong iwawaglit sa'yong isip na siya yung pinangarap mo..
Ni 'wag mong kakalimutang naging laman siya ng mga panalangin mo..

Kapag dumating na ang God's best mo, tandaan mo na siya ay God's best mo..
Hindi God's best ng Nanay o Tatay mo, o ng mga kaibigan mo.. Siya ay God's best mo.. Yung the best para sayo..

Sunday, August 13, 2017

Ikaw Lang



Gusto kitang yakapin
Sa 'twing nagdududa ka sa akin
Ibubulong ng aking labi,
"Giliw, ikaw lang ang iniibig"


Sa mundo'y 'wag mo 'kong itulad
Ako'y sayo at laging tapat
Ngunit Giliw, 'wag mong ipagkait
Ang kalayaang nararapat sa'kin


Sana'y matanggap mo
Na hindi lang ikaw ang mundo ko
Ngunit Giliw ika'y aking iniibig
At kailanman, di kita ipagpapalit


Nais ko lang iyong maintindihan
Na ako'y 'di pwede sa kulungan
'Di ba't alam mo na, noon pa man
Na ang mundo ko'y may kalakihan


Nais ko'y maging malaya
Hindi sa pag-ibig natin sa isa't isa
Kundi sa mundong aking ginagalawan
Na nais kong sabayan mo rin naman


Mahal kita at sana'y mapagtanto
Hindi lang ikaw ang aking mundo,
Ngunit ikaw lang ang mahal ko
At 'di maaagaw ng mundo ang pag-ibig ko sayo.

Friday, October 9, 2015

Our Story

Romeo and Juliet we became
Untold story –  ours have turned
Against all odds is a funny tale
But tell me, why are we the same?

It would be easier if you told the truth
And now I think, you become so untrue
You caused me to become so doubtful of you
And then the reality was I have been fooled

I cried not because of you
But because you touched the world I live for
How can I be like I was before
If they already turned sour, bitter and cold

How can you be like this to me?
How can you tell how much your love is?
If you can caused doubt on the beat of my heart
Then your doing maybe something not right.

How can I fall
If I don’t have the reality of it all;
If your love for me is safe and comfy
Are you sure you’re ready to catch me?

If you hold the plot of the story
Please make it something so pure and truly
And cast the doubt inside me

Because the truth is, I want to keep our story..

Wednesday, July 15, 2015

Yung Babaeng Naka-Wedding Gown

Bumilis ang tibok ng puso ni Kevin nang makita niyang nakasuot ng wedding gown ang babaeng pinakamamahal niya.

Medyo tumatagaktak na ang pawis sa mukha niya dahil kanina pa niya hinihintay lumabas ng bahay si Jhel – ang babaeng nakasuot ng wedding gown. Sabay silang pupunta sa simbahan. Medyo naiinip na nga siya kay Jhel, pero araw niya 'to, at isa pa, sanay na siya sa kabagalan ng babaeng pinakamamahal niya. Kaya na niya yung tiisin kahit habang buhay.

Sulit naman ang paghihintay niya nang makita niya ang pinakamagandang babaeng naka-wedding gown. Walang sinabi si Marian o Heart o kahit si Toni G.. Para kay Kevin, si Jhel ang pinakamagandang babaeng nagsuot ng damit pangkasal. Sabihin na nating bias siya, wala naman tayong magagawa, inlove yung tao e.

At waring napako na nga ang mga mata ni Kevin kay Jhel, at kahit normal pa rin ang takbo ng mundo, sa paningin niya ay slow-motion ang paligid. Slow motion ang paglapit ni Jhel sakanya. Ganitong-ganito ang mga eksenang naisip niya sa araw ng kasal nila ni Jhel. Eto ang pinangarap niya, eto ang eksenang madalas niyang mapanaginipan. Pero ngayon alam na ni Kevin na iba ang pakiramdam sa totoong buhay – waring natutunaw ang puso niya sa harap ng pinakamamahal niya.

"Huuuy! Tara na!" binasag ng tinig ni Jhel ang mabagal na takbo ng mundo ni Kevin. At bumalik sa normal ang galaw ng paligid sa mga mata niya.

"Ang tagal mo. Kailangan ko tuloy mag-retouch," pagpapatawa ni Kevin para mapagtakpan ang umaapaw na paghanga niya sa babaeng naka-wedding gown.

Pinagbuksan ni Kevin ng pinto ng sasakyan sa passenger seat si Jhel, "O pumasok ka na pinakamagandang bride," mas tunog pang-aasar kesa pangpupuri na sabi ni Kevin.

"Sus, sinasabi mo lang yan ngayon," nakangiting sabi ni Jhel sabay irap, "bakit dito ako? Dun ako sa backseat," sabay nguso sa backseat ng sasakyang puti at may ribbon sa harap.

"Wow, magmumuka pa kong driver mo??!" kunwari'y asar na sabi ni Kevin. Ang totoo gusto lang talaga niyang katabi ang pinakamamahal niyang babae hanggang maihatid niya ito sa dambana.

"Tara na nga, pagnakipagtalo pa ko sayo malelate pa tayo," at pumasok na siya sa nakabukas na pinto.

Pagkasara ng pinto ng sasakyan ng puting kotse, nagmadali si Kevin na makapasok sa driver's seat at sinimulang paandarin ang sasakyan.

Sa mga oras na ito, kailangan niya ang beast mode. Pero hindi. Ninamnam ni Kevin ang mga natitirang oras na magkasama sila ni Jhel sa puting sasakyan bago sila makarating ng dambana. Kahit naman ma-late sila, matutuloy ang kasal pwera nalang kung magbabago ang isip ni Jhel.

"Naalala mo yung nalaglag ka sa puno ng kayamito? Tapos sakto ka sa tae ng kalabaw?" natatawang tanong ni Kevin.

Binatukan ni Jhel si Kevin. "Sige, ngayon mo pa yan ipaalala," may kasamang panlalaki ng mata na waring banta ni Jhel.

Tumawa naman ng malakas si Kevin.

Natawa na rin si Jhel dahil naalala niya nga ang eksena na yun. "Ok lang, elementary lang naman ako nun e," pagtatanggol ni Jhel sa sarili.

"O di sige, yung nadulas ka sa harap ng quadrangle habang nagpa-flag ceremony tayo? Inagawan mo pa ng eksena yung principal na nenermon satin," kasunod ang malakas na tawa ni Kevin na waring hindi matatapos.

Natawa din si Jhel sa naalala niyang kahihiyan, "Oh my.. haha. That was so embarrassing, gusto ko na ngang lumipat ng school nun kinabukasan e. Hahaha. Highschool life. Hiyang-hiya talaga ko. Kitang-kita ko pa ang reaksyon ng crush ko, nakakahiya!" tawa ng tawa si Jhel habang nagkwekwento.

"Hahaha. At ako naman ang pinakamasayang tao nung nangyari yun sayo, hahaha", tawa pa rin ng tawa si Kevin.

"Alam ko!" sabay irap kay Kevin.

Tuloy lang pagtatawanan ng dalawa habang binabalikan nila ang mga napagdaanan nila sa buhay. Mga katangahan; mga kalokohan; mga tampuhan; at kung paano tumibay ang samahan nila. Natutuwa at natatawa ang dalawa sa mga eksenang pinagdaanan nila sa buhay ng bawat isa.

Sa isip ni Kevin si Jhel nga ang babaeng swak sa puso niya, wala na siyang ibang hahanapin pa. Hindi siya nagkamali.

Sa sarap ng asaran at kwentuhan ng dalawa hindi nila namalayan na malapit na pala sila sa simbahan at muntikan pa silang lumampas. Buti nalang at hindi absent minded si Jhel at napigilan niya ang paglampas nila sa simbahan.

Habang papalapit ang sasakyang puti sa tapat ng pinto ng malaking simbahan, napansin nila ang mga abay na pumupwesto na para sa seremonyang sila nalang ang kulang.

"Kinakabahan ako,"
biglang seryosong sabi ni Jhel sa katabi.

"Ngayon ka pa kinabahan, ilang hakbang nalang o. Ano nagbago na isip mo?" tatawa-tawang tanong ni Kevin.

"This is it." hindi pinansin ni Jhel ang tanong ni Kevin, at huminga siya ng malalim. "Oyyy, pagbuksan mo na ko ng pinto."

Tiningnan niya muna ng matagal si Jhel.

"Ano?? Tara!!" kumunot na ang noo ni Jhel.

Bumaka ang bibig ni Kevin at waring may gusto siyang sabihin. Tumingin siya sa mga mata ng pinakamagandang babaeng naka-wedding gown. Gusto niyang ilabas ang saloobin. Saloobin na matagal na panahon na niyang itinatago sa kaibaturan ng kanyang puso.

"Ano ba? Kumalat na yung make-up ko?", sabay tingin ng mukha niya sa rear view mirror. "Naku, nakakahiya kay Miguel pagnagkataong hindi ako maganda sa kasal namin."

Huminga ng malalim si Kevin, may kurot sa kanyang dibdib.

"Okay pa ba itsura ko?" muling tanong ni Jhel na waring nag-wo-worry.

Bahagyang binatukan ni Kevin si Jhel sabay sabing, "Diba sabi ko sayo ikaw ang pinakamagandang bride."

Ngumiti si Jhel, "Muka mo, alam kong nang-uuto ka. Tara na! Ihatid mo na ko kay Miguel" kasunod ang mas matamis na ngiti.

Tumagos sa puso ni Kevin ang matamis na ngiti na yun. Dahil alam niyang hindi yun para sakanya. Hindi nga pala siya ang dahilan kung bakit nakawedding gown ngayon ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi siya. Kung kanina'y may kurot lang sa puso niya, ngayon waring hindi siya makahinga sa sakit ng dibdib niya. Naisip niya kung anong klaseng katangahan itong pinasok niya at siya pa ang maghahatid sa babaeng pinakamamahal niya sa dambana para ibigay sa ibang lalaki.

Pero wala naman siyang choice. Siya lang ang maaaring maghatid kay Jhel sa dambana ngayong wala na ang tatay niya. Tutal siya rin naman ang nagsilbing kasangga ni Jhel sa bawat yugto ng buhay nito. Yun nga lang ibang ending sana ang inaasahan niya para sa kanilang dalawa. Pero hindi pala iyun ang ending nila. Eto pala.

Eto siya, si Kevin, lumabas na ng pinto ng puting kotse upang pagbuksan ang babaeng naka-wedding gown. Nang mabuksan na ang pinto ng passenger seat, kinuha niya ang kamay ni Jhel at inilagay sa braso niya. Handa na siya para ihatid si Jhel sa dambana.

Nagsimula na ang paglalakad nila sa gitna ng simbahan. Nakita ni Kevin ang mukha ni Miguel. Nakangiti ito at waring kinakabahan. Nakapako ang tingin sa pinakamagandang bride na katabi niya.

Tiningnan ni Kevin si Jhel. At kahit natatabingan ng belo ang mukha nito, tagos na tagos ang mga tingin at ngiting alay nito sa lalaking pinakamamahal niya. Sa lalaking napili ng puso niyang pag-alayan ng forever niyang pag-ibig. At durog nanaman ang puso ni Kevin. Hindi niya napigilang ilabas ang sakit sa pamamagitan ng mga luhang unti-unti ng pumapatak.

Napansin ni Jhel ang mga luha sa mata ng matagal na niyang kasangga; sa kaibigang kadugo na niya kung ituring. "O? Ano yan? Umiiyak ka? Hahaha." Pang-aasaar niya.

Lalong bumuhos ang luha niya nang papalapit na sila kay Miguel upang ibigay ang kamay ng pinakamamahal niyang babae. "Ikakasal ka na e. Masaya ako para sayo."

Handa na si Miguel abutin ang kamay ni Jhel, ngunit niyakap muna ni Jhel ng sobrang higpit si Kevin – isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya. "Thank you so much Kebs. So much.."

Ayaw na sana ni Kevin matapos ang yakap na yun, pero wala siyang nagawa nung kumalas si Jhel at pagkatapos ay binigyan siya ng matamis na ngiti.

Handa na muling abutin ni Miguel ang kamay ni Jhel, pero pinigilan ni Kevin si Miguel at niyakap, pagkatapos ay binulungan, "huwag mo siyang sasaktan, kundi papatayin kita." seryoso niyang banta sa lalaking mahal ng mahal niya.

Tumawa lang si Miguel at tinapik sa balikat si Kevin – ang matagal na niyang pinagseselosan ngunit sadyang kapamilya lang pala ang turing ni Jhel dito. At wala siyang dapat ikabahala.

Kinuha ni Kevin ang kamay ni Jhel at iniabot kay Miguel.

Nakangti ang dalawang ikakasal sa pagtatagpo ng kanilang mga kamay.

Habang naglakad naman palayo na may luha sa mga mata si Kevin at tinatanong ang sarili kung bakit hindi siya ang kasama ni Jhel sa harap ng dambana.

Tuesday, June 30, 2015

Sumisilip na Katotohanan


Sabi nila may tatlong bagay na hindi maitatago nang matagal:
                                ang araw, ang buwan at ang katotohanan
Sabihin mo sakin kung narinig mo na nga ba ng tungkol dun,
                                kasi'y sumisilip na ang katotohanan mo


Kahit paltan mo ng ngiwi ang ngiti sa iyong mga labi;
                                hindi mo napaltan ang tamis na ito’y para sa’kin

Ipagsigawan mo mang ito’y isang malaking palabas lamang;
                                Giliw, iba ang ibinulong ng 'yong puso sa’kin

Itago mo mang pilit ang saya ‘twing ako’y iyong kapiling;
                                ang mga mata mo’y di kayang magsinungaling


At nakuha mo ba ang gusto kong ipabatid sa’yo giliw:
                                sa likod ng pagpapanggap mo,
                                alam kong ako’y espesyal sa’yo.