Lukas 1:30-31
(30)At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios. (31)At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS.
Madalas kong masilayan
tuwing sasapit ang kapaskuhan,
mga palamuting makukulay at naggagandahan
Masasayang tugtugin kahit sa paligid na matamlay
Mga taong abala na tila ba sila'y masaya
Masaya… Sa paparating na wari ba'y isang hiwaga
subalit ako'y napapatanong sa kabila ng magandang representasyon
Matanong ko lang ang kasalukuyang henerasyon,
Ano ba talagang meron dito sa okasyon?
Bakit nagpapagal tayo isang imbitasyon,
Kagaya ng meron ngayon dito sa ating lokasyon?
Anong ganap ang meron ngayon?
Dapat bang magdiwang ng Pasko
Dahil ito'y isang bakasyon…
Bakasyon? Pero bakit tila ika'y pagod?
O marahil abot tenga ang ngiti
Dahil 13th month at bonus ay nakamit…
Nakamit? Ngunit bakit parang kulang pa rin?
Siguro nga'y tama ang sabi nila…
Ang Pako ay para lamang sa mga bata.
Hilingin daw kay santa klaws ang iyong nais…
Makakamit depende kung naughty or nice…
Sila ninong at ninang ay kamustahin,
Tiyak yan na mayroon sayong nakatabi.
Ngunit bakit iyon ang isinisiksik sa kanilang murang isip?
Magsabit ng medyas sa hating gabi
O di kaya'y magabang sa ilalim ng Christmas tree…
Bakit di na lang sinabi ang totoong pangyayari?
Na sa araw na ito'y may higit na niluluwalhati?
Higit sa mga nais mong makamit…
Itinuturo sa paaralan ang history
Kung ganun ba't di natin palaganapin ang Christmas History
Yung pangyayari na may regalong dumating
Regalo na dapat ay buong puso nating tanggapin…
Isang pangyayari na sa kabi-kabilang ng ating paghingi at pagangkin...
May Isang nagbigay at sumapat sa lahat ng kulang sa atin…
Ating alalahanin ang kapanganakan ng Tagapagligtas natin?
Yung sanggol na pagasa ng sanlibutan na sadyang kay dilim
Balutan man ito ng mga makukulay na palamuti,
Kumikislap na ilaw Kagaya nung namamasid natin sa gabi,
Itodo man natin ang lakas ng masasayang tugtugin sa tabi
Mabangi man ang kapitbahay mo sa Pamasong awitin
Hindi mo maitatanggi na ang mundo'y madilim
Nababalot ng lungkot kahit ang lahat ay may salo-salo…
Kung walang ang Kristo na sentro ng Pasko..
Mali… Kung wala ang Kristo sa sentro ng buhay mo.
Dahil dapat ang Pasko ay hindi lang bukas o ngayon.
Ano nga ba ang nasa puso natin?
Kamusta ang tunay na diwa ng Pasko sa iyong buhay araw-araw at gabi-gabi?
Para ka bang bata na nakatuon sa hinihiling at nais makamit?
O para bang ikaw yung nagpapagal, naghahanda ngunit nasan ang iyong ngiti?
Saan ka ba nakatingin? At sinisunod mo pa ba ang kanyang tinig?
Espesyal pa ba ang Pasko sa buhay mo Disyembre man o hindi?
O baka nakalimutan na natin…
Na yung Sanggol na isinilang para sa atin…
At Siyang Tagapagligtas na namatay din para sa atin,
Ang tunay na kailangan natin…
Siya yung sapat na liwanag na dala'y tunay na saya sa ating Pasko Disyembre man o hindi...
Liwanag sa mundong sadyang kay dilim at higit sa kahit anong palamuti…
Kung wala pa si Kristo Hesus dyan sa Pasko sa loob ng puso mo…
Bakit hindi mo siya alalahanin at papasukin?
At iyong mapagtatanto na araw-araw pala ay Pasko..
Yung tunay na Pasko… higit sa palamuti at magagarbong disenyo.
Ating tanggapin at ipalaganap ang pinakaimportanteng regalo…
Yung pag-ibig ng Diyos na nagbibigay kaligtasan sa kahit sino
Na Siyang namatay upang tayo'y matubos
At iyon ang tunay na diwa ng Pasko -- kung saan si Hesus ang sentro…
Asking permission if I could use some of the lines and stanzas here. It was so good!
ReplyDeleteSure. I'm going to need your proper accreditation though 'cause I didn't write it alone. This was written by two persons.
DeleteThank you, by the way. We appreciate.
Hi good day, would like to ask if I can use this, on our church activities, would give due credit for you. Thanks
ReplyDeleteOur pleasure.
DeleteThank you and God bless!
Permission to used this in my class.
ReplyDeleteSure. Pakilagyan na lang ng reference note to avoid plagiarism. Paclick na din ng nalabas na ads dito. Hihi. Salamat.
DeletePermission to used this for the upcoming christmas cheers presentation sponsored by our parish.
ReplyDeleteSure po. In return pa-proper credits na lang po at paclick ng mga ads na nakikita niyo dito sa page. Salamat po. 😊
ReplyDeletepwede ko po ba itong gamitin para sa church po?
ReplyDeletePwede po. Paclick na lang ng ads in return at proper credits po sa mga gunawa. Salamat! Sa Diyos ang higit na papuri.
Delete