(this was also posted on my facebook account. Haha.. it reminds me of my high school life.. :) or rather school days.. :) i miss those days, and that feeling too..pero ayoko ng malasin. haha.)
“ANAK NG TINOLA!”
Alas otso na!
Kelangan ng bumangon
Ngunit mata ko’y kay bigat,
Di ko kayang imulat.
Sandali pang umidlip
Napadpad muli sa panaginip
Sa isang sandali
Di na alam ang nagyari
Sa muling pagmulat,
Bigla nalang napamura
Anak ng tinola!
Alas dies na pala.
Nawala ang antok
Kumaripas takbo
Pagtunton sa banyo
Binuksan ang gripo
Dali-daling naligo
Takbo muli sa kwarto,
Damit pala’y gusot pa
Pagminamalas kang talaga
Plinantsa ang gusot
At dali-daling isinuot
Sinuklay ang buhok
Sinuot ang sapatos
Pumunta sa kusina
Tinapay ay kinuha
Nais ko pang kumain
Ngunit oras ay may taning
Si nanay ay tinawag
Ngunit di ako naririnig,
Nasaan ba kasi si nanay?
Wala pa akong baon! hay!
Binuksan ang pitaka
May bente pang natitira
Muling napamura!
Makaalis na lang nga.
Pagdating sa sakayan
Ako’y bwiset na bwiset
Kinalma ang sarili,
Tiningnan ang oras
Ayos lang pala
Ako’y makakaabot pa,
Habang naghihintay
Sa dapat na sasakyan..
Kinapa ang bulsa.
Nasan na nga ba ang pitaka?
Damit pala’y baligtad pa!
Makakapasok pa kaya?!
No comments:
Post a Comment