Friday, June 11, 2010

“BASAHIN MO”

Ilang tula na nga ba ang aking nagawa?

Pero ni isa’y di pa nailathala,
Ganun pa man patuloy lang sa pag-gawa,
Hangga’t may pansulat at papel akong nakikita,
Hindi ako titigil sa pagiging makata.

Kalian nga ba ako nag-umpisa?
Ang alam ko’y bata pa lang ay nagsulat na
Mga gawa ko noo’y wala ngang halaga,
Ang alam ko’y ito’y laro lamang.
Pero ngayon, laro pa rin ba ang dapat itawag?

Hindi ko naman gustong maging tanyag
Gamit ang mga tulang aking naisulat,
Pero hindi lang ito simpleng libangan
Pagkat dito ko nailalabas ang mga katotohanan,
Dito mo rin mababasa mga lihim sa aking katauhan.

Sa mga malalalim at matatalinhagang salita,
Dito mo lang tanging malalaman
Na sa kabilang bahagi ng aking pagkatao,
Kakaibang nilalang pala ang nakapaloob dito,
Maniwala ka! Ako lahat ang sumulat nito.

No comments:

Post a Comment