Sa bawat abakada na natutunan
Sa bawat 1 plus 1 o 9 tayms 9 na nasagutan
Sa bawat tama o mali na nakamtan
May ilang katotohanan ang aking napag-alaman
Sa aking tahanan mayroong magulang
Sa paaralan nandyan si sir at ma'am
Sabay na nagtyatyaga para sa aking kinabukasan
O anong palad ko pala na sila'y nariyan
Ngunit patawad aking ama at ina..
Pagka't higit akong namangha sa guro ko kanina..
Bukod sa pagmamahal na mayroon siya sa aming mag-aaral..
Bukod sa pag-aalaga at pasensya niya sa amin araw-araw..
Bukod sa talino at kaalaman na 'di niya ipinagdadamot kahit kami'y pasaway..
Bukod sa mga katangiang iyon at sa mga hindi ko pa nasabi ngayon..
Maaring isa rin siyang ina o anak o kapatid na may obligasyon..
Ngunit paanong ang pagmamahal sa amin ay nandun?
Paano niya nagawang magmalasakit sa 'di niya kaano-ano o kadugo?
Paano niya napagsasabay mahalin at gampanan ang dalawang mundo?
Dalawang mundo na araw-araw ay sabay niyang sinusuong.
Responsibildad sa lehitimong pamilya at pangalawang tahanan na wari'y nagkukumpetensya..
Ngunit nakakamangha na kaya niyang pakalmahin ang dalawa..
Naiintindihan ko ang pagmamahal mo sa akin, aking ina at aking ama..
Pagka't ako'y inyong anak; karugtong ng puso at diwa..
Ngunit higit akong namangha sa guro ko kanina..
San niya hinuhugot ang pusong taglay niya?
O anong hiwaga ang pag-ibig niya para sa kinabukasan ng mga anak ng estranghero at di niya kakilala.