Showing posts with label memories. Show all posts
Showing posts with label memories. Show all posts

Wednesday, December 7, 2022

Nilaga

Habang namimili ng lahok
Beef cubes siya'y dumampot
I don't need that bigla kong tugon

Siya'y umatras at bahagyang lumayo
Ikaw ba ang magluluto? Tanong ko. 
Iling lang ang kanyang sagot. 

Ang tindera'y napangiti na lang sa sulok
Walang muwang na espesyal ang araw na 'to
Kaya nga siguro ako'y magluluto? 

Ngunit bakit ako nga'y magluluto,
Kung espesyal pala ang araw na ito?
Sakanya'y tumingin, tanong ko'y nasagot.

At sa kanya na lamang kayo magtanong, 
Anong lasa ng unang anibersaryo?
O ng nilagang walang beef cubes sa timplado.

Sa huli, pareho naman kaming nakangiti.



Monday, October 16, 2017

Spoken Words Poetry: Higit Akong Namangha

Sa bawat abakada na natutunan
Sa bawat 1 plus 1 o 9 tayms 9 na nasagutan
Sa bawat tama o mali na nakamtan
May ilang katotohanan ang aking napag-alaman

Sa aking tahanan mayroong magulang
Sa paaralan nandyan si sir at ma'am
Sabay na nagtyatyaga para sa aking kinabukasan
O anong palad ko pala na sila'y nariyan

Ngunit patawad aking ama at ina..
Pagka't higit akong namangha sa guro ko kanina..
Bukod sa pagmamahal na mayroon siya sa aming mag-aaral..
Bukod sa pag-aalaga at pasensya niya sa amin araw-araw..
Bukod sa talino at kaalaman na 'di niya ipinagdadamot kahit kami'y pasaway..
Bukod sa mga katangiang iyon at sa mga hindi ko pa nasabi ngayon..
Maaring isa rin siyang ina o anak o kapatid na may obligasyon..
Ngunit paanong ang pagmamahal sa amin ay nandun?
Paano niya nagawang magmalasakit sa 'di niya kaano-ano o kadugo?
Paano niya napagsasabay mahalin at gampanan ang dalawang mundo?
Dalawang mundo na araw-araw ay sabay niyang sinusuong.
Responsibildad sa lehitimong pamilya at pangalawang tahanan na wari'y nagkukumpetensya..
Ngunit nakakamangha na kaya niyang pakalmahin ang dalawa..

Naiintindihan ko ang pagmamahal mo sa akin, aking ina at aking ama..
Pagka't ako'y inyong anak; karugtong ng puso at diwa..
Ngunit higit akong namangha sa guro ko kanina..
San niya hinuhugot ang pusong taglay niya?
O anong hiwaga ang pag-ibig niya para sa kinabukasan ng mga anak ng estranghero at di niya kakilala.

Saturday, July 25, 2015

Para sa Aking Ama..

Para sa taong nagturo sakin magbasa nung panahong pinagtatawanan pa ko sa klase tapos nagulat sila nang biglang marunong na ko magbasa;
para sa taong kumarga sakin nung nahulog ako sa hagdan kahit di naman masakit;
para sa taong unang nakaalam na gustung-gusto ko pagdumadaan ang bus na sinasakyan namin sa fly-over;
para sa taong nag-explain kung ba't dapat ko makita ang red na langit nung gabing yun, na ilang dekada pa ang dadaan bago masilayan ulit;
para sa taong pag naghatid sakin sa school madalas late ako, pero sagot niya ko sa teacher tongue emoticon ;
para sa taong namilit samin matulog sa tanghali, kaya siguro matangkad kami;
para sa taong nagsusuyod sa buhok namin nung may kuto pa kami tongue emoticon ;
para sa taong ipinasyal kami sa iba't ibang lugar;
para sa taong seryoso kapag nagluluto at kapag naglilinis ng baril;
para sa taong nakakatawa paglasing;
para sa taong hanggang ngayon hindi kami iniwan kahit hindi na namin siya kasama gabi-gabi...

para sa lalaking mahal na mahal ng kanyang mga anak, at ng kanilang ina..




Maligayang araw ng mga tatay!

Thursday, March 13, 2014

The Last Thing



The last sight you might want
                was the smiling eyes that can look straight to your soul.
The last sound you might want
                was the cold voice that could bring chill to your bones.

But it’s not always rainbows and butterflies
                they say these too much.
Because these last things you might want
                could be the vivid sound of footsteps turning to walk away.

Thursday, September 12, 2013

Mga Katha sa HRD (BATCH 2)

(Special Edition)

BATCH 2

======================================================

“Sino Ako”

Sino ako para mawalan ng oras sa Iyo?
Gayung ibinigay Mo ang lahat ng kailangan ko.
Sino ako para hindi sundin ang kagustuhan Mo?
Gayung ang buhay ko’y Iyong planado,
kung magtitiwala lang sana ako.

Sino ako para isiping hindi ka totoo?
Gayung kapaligiran na mismo ang nagsasabing sila’y nilikha Mo.
Sino ako para pagdudahan ang Iyong kakayahan?
Gayung di Ka nagsasawang patunayan,
ang gilalas Mong kapangyarihan.

Sino ako para di tumugon sa Iyong tawag?
Gayung bawat daing ko’y Iyong dinidinig.
Sino ako para hindi ka papurihan?
Gayung nararanasan ko naman ang Iyong kadakilaan?
                na hindi mabibilang sa kahit anong paraan.

At sino ako para ipag-sa-walang bahala Ka?
Gayung sa kabila ng mga kasalanan ko,
Mahal mo ang balewalang katulad ko.
May 17, 2011


“Nothing to Fear”

O God, I’m scared.
I hear the trembling of the sky.
I see the mighty thunder kiss Your land.
What else could happen my Lord?

Is it the time You were saying?
The earth is starting to dance for Your grace.
But my dear God, I’m scared.
Ease the fear and calm my care.

Remind me of Your love and mercy.
And make me know of Your protection
For I’m like a child,
Fearful, innocent and fragile.

And I know You love me and all the people
And when Your time is here to come,
You’ll be standing infront of me.
I will be covered by Your awestruck love.
May 23, 2011


“Hole”

There’s a hole in me,
                it makes me feel so incomplete.
I’m surrounded by people
                but they could never filled it.
‘Cause this hole in me
                does not tell its name,
                even to the one it resides in.

There’s a hole in me,
                and it makes me wonder
How God will fill
                this emptiness inside me.
June 15, 2011


“Bugtong”

Bugtong, bugtong, bugtong
kapag ito’y may ibinubulong
akin itong ikinukulong
saka ipinapabasa ng buong-buuo
sa kaibigang lagi nitong katalo.
Ano ito?

Bugtong, bugtong, bugtong
matapang sa iyong paningin
manhid ding maituturing
kalooba’y waring laging matalim
ang totoo’y umiiwas lang sa panganib.
Sino ito?

Bugtong, bugtong, bugtong
lumilipad ngunit walang pakpak
nasasaktan ngunit walang luha
umaayaw ngunit umaasa
umiilag ngunit tinatamaan din naman.
Ikaw ba ‘to?
July 9,  2011


“Stay Apart”

Should I give in?
Will I let myself now?
Can’t we just stay like this?
Thinking we’re meant to be,
But actually doing nothing.

I will not beg and make you stay
Let my heart bleed as I watch you walk away
If it’s what you want to do,
Then who am I to stop you go?

But please don’t make it hard on me
I might look strong and unwavering
But my heart is nearly dying.
For I know that you’re loving me as much as I do
Let we let each other be free on our own.

So here’s what I ask you for:
Don’t make me feel how special I am.
Don’t care too much ‘cause it feels so good.
Be the least sweet person to me.
In that way, I can still be me.

Tell me then how sweet is love,
If two hearts that beat as one remain apart?
November 16, 2011


“Malabo”

Ayokong isuko ka,
Ngunit ayoko ringipaglaban ka.
Mahal na mahal kita,
Ngunit di mo to madadama.
Gusto kong manatili ka,
Ngunit di kita pipigilan.
Ang dami ko pang gusting isulat tungkol sayo,
Pero di ko naman alam kung ano.
November 23, 2011

Saturday, September 7, 2013

Mga Katha sa HRD (BATCH 1)

(Special Edition)
BATCH 1

“Paano Ka Gigising Kung Natutulog Ka Ng Gising?”

Paano ka gigising kung natutulog ka ng gising?
Wala ka sa reyalidad at wala rin sapanaginip.
Galaw ng oras ang tanging kabig,
Nakadilat ngunit tikom ang pag-iisip.
Paano mo gigisingin ang taong natutulog ng gising?
November 9, 2010


“Irony”

You told me to take my time
but the truth is you hold it in your hand
so how can I take my time when you had it all the while?

You said that we could start like this
and this will be the beginning,
but isn’t it hard to begin when we’re already at the ending?

The irony is this: I love you
but I hate you for loving me too.
And I hate myself for loving you yet not telling this to you.
November 9, 2010


“One, two, three”

Count one, two, three
                and you’ll feel it in the wind
Hide upside down
                and you’ll see it underneath
Take three steps at a time
                and you’ll save it from a crime
Don’t wonder who and what it is
                for even Socrates wont know a thing
Just count one, two, three
                and it will know when it is.
November 23, 2010


“Silent Murderer”

The words you have said cut every inch of her
How stupid you are to be a silent murderer.
You pretend to be her savior
And she thought that you’re her protector
But in reality you’re the one striking her
Crashing every part of her heart –
That’s the reality of your crime.
And when you’re done you just leave it behind
‘cause what they see is your façade
Not the real murderer inside.
A silent murderer you are,
Only your conscience hunts.
November 3, 2010


“The Anatomy of my Denial”

I miss not the smile on your face
                Nor the sound of your laugh when your dumb.
I miss not the glimpse of your eyes on me
                And I don’t even see how beautiful those could be.
And don’t even think that I miss your voice
                There’s no enough reason for me to feel so.
You were never really been in my thoughts
                It’s because I do not miss you at all.
So please take this reality and hold
                You were never really important in my life.
You’re the subject of this poem, yes you are..
                But it’s not because I’m missing you so.
I’m writing this, just so you know,
                That I miss not the person I like the most.
April 7, 2011


“Lipad”

Ako’y isang ibong lumilipad
Malayang gumagalaw, walang humpay
Tanging Maykapal ang hawak na gabay.

Permanenteng tahanan ay kalawakan
Dun lagi matatagpuan
Kasama ang hanging may kalamigan.

Wag nang tangkaing ako’y pangalanan
Pagkat iwawaglit din ng kapalaran
Ako’y di mananatili sa kahit saan.

Sa ngayon ako’y nakadapo sayong sanga
Ngunit di magtatagal ako ri’y lilisan
Dahil yun ang aking katangian.

Ako’y isang ibon,
Kayang lumipad
Nilikhang yun ang katangian.
April 18, 2011