Showing posts with label basahin mo. Show all posts
Showing posts with label basahin mo. Show all posts

Sunday, November 25, 2018

Pagod na ko

Pagod na ko.
Pagod na kong lumikha ng mga katha na nagbibigay kulay o buhay
Pagod na ko.
Pagod na kong umasa na may perpektong pag-ibig maliban sa Dakilang May Likha.
Pagod na ko.
Sa sobrang pagod ko, 'di ko na alam kung paano tumugma ang mga salitang sinasabi ng puso.
Pagod na ko.
Pagod na kong saluhin ang mga batong pilit nilang ipinupukol kahit anong ilag ko.
Pagod na ko.
Pagod na kong makinig, umimik, o makibaka sa mundong kailanman hindi naging patas.
Pagod na ko.
Pagod na kong ipagsigawan ang totoo dahil ako lang naman ang naniniwala dito.

Pagod na ko.
At sana, panandalian lang ang pagod na 'to.
Sana, maglaho ang bigat na nadadama at manumbalik ang kilala kong ako.
Pagod na ko.
Magpapahinga lang ako.


Disclaimer: Not a suicide note.

Thursday, February 22, 2018

Pili at Tugmaan

Ikaw na nga ang pinili ko
Wala nang iba pang iibigin
Kahit pa ano ang 'yong nakaraan
Araw-araw, ikaw ang pipiliin ng puso

Sapat ng nasugatan ako
Sa bakas ng kahapon nating magulo
'Wag mangamba, sa'yo pa rin ang pag-ibig ko
Kahit sabihin man nilang huwad ka o ako

Saturday, February 17, 2018

Spoken Words Poetry: Minahal Kita



Akala ko ikaw na. Akala ko, nakita ko na.
Pero totoo nga yata ang sabi nila --
Madalas mali ang akala.

Paano mo ko nagawang saktan?
Saang parte ba ako nagkulang?
A, oo nga pala, lagi nga pala akong kulang.

Ang dami mong inilihim sakin,
tapos sasabihin mong ako'y lubos mong iniibig? Nakakalito, dahil oo, naramdaman ko naman ito - yung sinasabi mong pagmamahal mo ng todo.

Kaya nga kita minahal ng lubos,
dahil hindi ka naman nagkulang
para ito'y lagi kong madama ano man ang aking kalagayan.

Pinahalagahan ko ang pagmamahalan natin,
dahil akala ko, nakita ko na nga ang kabiyak ng aking puso't damdamin.

At marahil ay wala ngang kabiyak ang puso ko… Meron siguro, pero puro pagpapanggap lang kagaya mo.

Bakit mo nga bang hinayaang umabot sa ganito, kung saan sobrang sakit na ang maidudulot ng ating paglalayo?

Minahal kita, e.
Nag-iisa ka sa puso ko,
kahit madaming lumalapit,
pinili kong sayo manatili,
dahil nga mahal kita
At pinapahalagahan ko ang sinasabi mong pag-ibig mo sa akin.
Ngunit ang totooy parte lang pala ng inyong plano.

Ano bang ginawa kong kasalanan sa inyo?
Pakisabi naman o!
Bakit kahit malayo na ako,
hinahabol pa rin ako ng multo niyo?
O marahil kayo ang takot sa sarili niyong multo.

Alam mo ba kung anong pinakamasakit?Pinakamasakit, ay ginago mo ako.
Ginago mo ang taong sinasabi mong mahal na mahal mo.

Kaya ngayon, iwan mo na ko,
bitawan na natin ang isa't isa.
Ayoko na ng larong sinimulan niyo.
Sapat na siguro ang sakit na idinulot niyo para masabing kayo na ang nanalo.
Kayo ng mga kakampi mo.

Ang tanga ko,
Ang tanga-tanga ko na pinaniwalaan ko ang huwad mong pag-ibig.
Mahal, minahal kita ng totoo at walang halong pagkahuwad iyon.
Oo sige na, kayo na ang panalo.

At itong mga salitang ito
'Tong mga letrang nababasa mo.
Para sayo talaga 'to,
Literal at ni di ko hinaluan ng pagpapanggap.

Mahal, bakit mo ginago ang taong sinasabi mong mahal na mahal mo?
Itinuring pa naman nating ang Diyos ang sentro ng pagmamahal mong huwad sa akin.

Minsan lang mapaamo ang lion,
Ngunit sino ba sa atin ang tunay na lion?

Thursday, September 18, 2014

A Poem For Someone (The story behind)

This poem was produced as requested by my tita yhan, in exchange for a small amount of money.

Well yeah, I felt bad for doing a poem in exchange of money because truly I am a believer of the so called passion -- that you're doing something not expecting anything in return because the joy of doing it satisfies that hunger in your heart and that is something peiceless. But if some people can use their craft to earn a living, why not consider your own talent and ability as a source of income too. And since I am needing an extra income, why not?

But still, this is a passion, so don't get me wrong and I hope you're getting my point. ;)




Friday, June 11, 2010

“BASAHIN MO”

Ilang tula na nga ba ang aking nagawa?

Pero ni isa’y di pa nailathala,
Ganun pa man patuloy lang sa pag-gawa,
Hangga’t may pansulat at papel akong nakikita,
Hindi ako titigil sa pagiging makata.

Kalian nga ba ako nag-umpisa?
Ang alam ko’y bata pa lang ay nagsulat na
Mga gawa ko noo’y wala ngang halaga,
Ang alam ko’y ito’y laro lamang.
Pero ngayon, laro pa rin ba ang dapat itawag?

Hindi ko naman gustong maging tanyag
Gamit ang mga tulang aking naisulat,
Pero hindi lang ito simpleng libangan
Pagkat dito ko nailalabas ang mga katotohanan,
Dito mo rin mababasa mga lihim sa aking katauhan.

Sa mga malalalim at matatalinhagang salita,
Dito mo lang tanging malalaman
Na sa kabilang bahagi ng aking pagkatao,
Kakaibang nilalang pala ang nakapaloob dito,
Maniwala ka! Ako lahat ang sumulat nito.