Sunday, January 18, 2026

Gaano | How Deep

Gaano

Naiinis ako sa tuwing maririnig kong nanghihinayang ka

Na para bang ginawa mo ang lahat para ako'y manatili

Na para bang narinig ko kung gaano mo ko iniibig


Isa lang naman ang dahilan kung bakit siya at hindi ikaw

Sa mga pagkakataong nakita mong dapat tumigil

Sumuong siya at siniguradong payapa ako sa kanyang bisig


Nung napawari ka sa mga demonyong iyong namasid

Lalo niya akong niyakap at itinaboy silang palayo sa akin

Habang ikaw ay natutulala, patuloy siyang humahakbang


Sa iyong pagsambit ng nga panalangin para sa akin, 

Siya ang naging tugon, mga pagdinig sa 'yong mga dalangin

Ngayon, napagtanto mo na ba ang iisang dahilan kung bakit siya?


Giliw, hindi di ka naman kumilos para ako'y makamtan,

Nakakabingi ang pagmamahal niya, habang ang sa'yo'y,

Di ko alam kung nagawa bang marinig kahit ng malamyang hangin


Kaya nakakainis sa tuwing maririnig kong nanghihinayang ka

Ano bang ginawa mo para ako'y manatili?

Lubos ko siyang minamahal, huli na para sabihin mo kung gaano ang sa'yo



How Deep

I find it funny hearing how much you're regretting now

That as if you've done everything to make me stay

That as if I've heard how deep your love is for me


If you look at it, there's only one reason why him, not you

In circumstances that you foresee as a halt

He bravely kept going to secure my peace


When you got distracted by the demons you saw lingering, 

He held me tighter and chase them all away

While you are left wondering, he is taking actions


You utter prayers for my whole being, 

He is the answer to your prayers for me

Now, do you get to see the only reason why him? 


Oh you funny thing, you did not pursue me at all

His love is expressed so loud and in echoing sounds, 

While yours is perhaps, not even heard by the soft breeze


That's why I find it funny hearing you regret it

Did you at least try to make me stay? 

I've grown deeply in love with him, it's too late to let me know how deep is yours

No comments:

Post a Comment