Saturday, July 5, 2025

Winika mo sa akin

Palagi mo kong pipiliin,

'yun ang winika mo sa akin.


Lubos ang aking galak sa ika-una, ikalwa, 

ikasampu't ikasandaang bes mong pagpili sa 'kin. 


Mga ngiti ko lang ang nakikita mo,

ngunit lumulundag ang aking puso. 


Pero bakit nung kasama na siya sa pagpipilian,

hindi mo na binanggit ang aking ngalan?


Bakit parang hindi mo ata pinanghawakan,

'yung pangakong sa akin ay 'yong binitawan?


Hindi ba't palagi mo kong pipiliin,

'yun ang winika mo sa akin?


Pero teka, tila mali ang aking nadinig,

O mas tamang sabihing pinili ko lang ang gusto ko marinig,


Dahil sa aking pagbaliktanaw sa 'yong buong pagkasabi sa 'kin,

"Palagi kitang pipiliin, basta ba 'di siya kasali.", walang kurap mong sabi.




Oo,

pinili

ko

nga

lang

ang

gusto

ko

marinig,


dahil nandito na tayo, sa kumpletong pangungusap mo.

No comments:

Post a Comment