Dumadalas ang pagdalaw mo sa aking panaginip
At ngayon, mag-isa ka lang sa iyong pagdating
Mas lumalapit ka na din sa dating malawak na pagitan natin
At sa tuwing paggising ko, mapapatanong ako,
Tulad ngayon, walang mensahe mula sa'yo,
Ngunit sa aking kaarawan, tumambay ka sa panaginip ko
Imposible 'yun mangyari,
Alam ko kung gaano mo sinisuguro ang pagitan sa atin
Kaya marahil, at mas tamang isipin...
Hindi kaya ako na ang dumadako sa sariling panaginip mo?
No comments:
Post a Comment