Sunday, September 27, 2026

Bakit?

Sinabi mo nung una pa lang,

ako lang yung sayo'y naniwala,


Pero

paulit-ulit mo naman akong sinaktan at pinaluha, 


Bakit paulit-ulit mong sinaktan

yung nag-iisang taong sayo'y naniwala?


At sa dulo ng paulit-ulit na sakit,

ikaw ang maiiwang nagtatanong ng kung bakit,


Dahil sa pagitan ng paulit-ulit na sakit at pagluha,

ako 'yung tuluyang nawala.

No comments:

Post a Comment