Sunday, April 18, 2021

Napapawari

Sa dalang hiwaga ng pag-ibig,

Ako'y napapawari,..


Giliw, paano ka sa akin nahumaling? 

Ilang tula na ba ang inalay mo sa akin? 

Kumulay ba ang mundo sa aking pagdating? 

Bumagal ba ang oras nung ako sayo'y ngumiti?


Maari bang sa aki'y sabihin, 

Hiwaga ng pag-ibig ba'y taglay ko din?


Gusto kong marinig mula sa iyong tinig

Ang dalang hiwaga sa iyo ng pagibig

Pagka't minsa'y ako'y napapawari

Nasan ang tugma, kulay at oras na aking sanhi? 

No comments:

Post a Comment