Spoken Words Poetry (Tulang Isinalita)

Hindi naman ako mahilig sumabay sa agos, ngunit minsan hindi maiiwasan. Umiikot ang mundo, alangan namang hindi ka sumabay sa ikot nito. :)

At dahil usong-uso ngayon ang Spoken Word Poetry, may ilang nagpagawa nito para sa dahilang sila at ako lang ang maaring makaalam.  ;p Nagpasya akong ilathala dito sa blogsite na 'to yung mga ayos lang mailathala.

Karamihan sa mga ito, requested at may ibinigay na topic; yung iba, ginawa ko lang talaga. May naiperform na merong ipeperform pa lang.

Maaari niyong makita ang mga nailathala sa kategoryang ito sa pamamagitan ng paglalagay ng "spoken words poetry" sa search bar na matatagpuan sa ilalim ng blogsite na ito. :)

Huwag kalimutang mag-komento kung may nais iparating na saloobin o opinyon o kritisismo. Salamat!

No comments:

Post a Comment