Monday, December 2, 2013

Last Chapter (The End)

Sabi nila, malalaman mong mahal ka ng isang writer kapag kasama ka sa mga naisusulat niya. Kung masama man ito o mabuti, hindi na ‘yun mahalaga, basta kasama ka sa mga sulat niya, makakatiyak kang mahal niya.

Iyon kaya ang dahilan kung ba’t hindi na ako makapagsulat ng tungkol sa’yo? Hindi na ba kita mahal? Sabihin mo, kaya ba naging madali sakin ngayon ang bitawan ka dahil hindi na kita mahal? At bakit ako ang nasasaktan para sayo? Nararamdaman ko yung sakit na mararamdaman mo ‘pag sinabi kong hindi na kita mahal. Ayoko sanang maramdaman mo yung sakit na ‘yun, pero anong gagawin ko? Magpanggap na walang nagbago? Sigurado ako, mas ayaw mong maramdaman ‘yun.

Alam mo naman kung gaano kita pinahalagahan diba? Ang tagal kong pinanghawakan ang lahat ng pinagsamahan natin. Ilang beses ko iniligtas ang relasyon natin sa pagkawasak. Hindi naman sa isinusumbat ko ang mga bagay na ‘yun, gusto ko lang talaga maintindihan kong bakit kaya ko nang iwan ka. At ‘wag mo kong pagdudahan ha, dahil sinisuguro ko sayo na wala akong bago. Pero ang alam ko, sating dalawa, may nagbago. Sigurado ako.

Huwag na tayong magturuan kung sino ang tama at mali, wala na rin namang patutunguhan. Nakakalungkot lang na sa tinagal-tagal kong inangatan ang meron tayo, sa huli dito rin tayo babagsak.
photo credit: kissreports.com

Ayoko. Sino ba ang may gustong masira ang isang iniingatang relasyon? Pero ayoko na. Ayoko na iligtas ang relasyon natin. At sana, sapat na yun para maintindihan mo.


Siguro nga hindi na kita mahal kaya nasasabi ko ang mga bagay na ‘to. Pero tingnan mo, tungkol sayo ang sulat na ‘to. Maaring ito na ang huli, pero siguro maaari mo pang mailigtas ang relasyon natin kung gugustuhin mo at kung kaya mo. Basta ako, ayoko na at wala na talaga akong gana na magsulat tungkol sa’yo.

Tuesday, September 24, 2013

Love Fool

(Ang maikling kwento ni BEMBONG)


Uyyyy, eto nanaman!!! Nakita ko nanaman siya. ‘Tong babaeng lagi kong nakakasabay sa bus. Well, trice a week technically. O pwede rin nating sabihing tatlong bes ko lang alam  na kasabay ko pala siya. Maari kasing hindi lang pala ako aware na kasabay ko pala siya.

Ayun, as usual, ang ganda niya pa rin. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Tatlong taon ko na siyang nakakasabay sa pagpasok pero ganun pa rin siya kaganda tulad nung una ko siyang nakita. Haay, hindi siya nakakasawang tingnan. Sayang nga lang, nauuna akong bumaba sakanya. Kaya hindi ko tuloy alam kung saan ang destinasyon niya. At hindi naman ako stalker, at no way! Hindi ko siya lalapitan! Baka isipin niya pa may gusto ako sakanya. Nagagandahan lang ako sakanya, yun lang.

Pero nung isang araw, napansin ko, tinititigan niya ko. Aba, kada tingin ko ba naman sakanya e nahuhuli ko siyang nakatingin sakin. Naisip ko tuloy may mali sa itsura ko. Hala, sino ba naman ako para tingnan niya ng matagal diba. Hindi kaya napapansin na niya na ako yung lalaking lagging nagpapa-upo sakanya kapag natataong standing na sa bus pagsakay niya? Nakakahiya naman. Mahahalata niyang may espesyal na atensyon ako sakanya. Tulad ngayon, nakatayo nanaman siya. Parang ayoko muna siya paupuin. Distansya muna. Masyado na ata akong obvious. Hindi rin naman kasi marunong magpasalamat tong babaeng to. Siguro yung ngiti na niya yung pasasalamat niya. Pero pasensya na muna miss ganda, hindi kita papaupuin ngayon. Baka nag-a-assume ka na dyan e.

Haay, paano kaya kung makasabay ko siya tapos kasama ko yung girlfriend ko. Sino kayang mas bibigyan ko ng atensyon sakanila? Hindi ko alam, pero sana yung girlfriend ko, kasi nga, girlfriend ko siya. Pero sana nalang wag ako malagay sa ganung sitwasyon, baka kasi mapansin ng girlfriend ko yung pagsulyap-sulyap ko dun at pagmulan pa naming ng away. Alam niyo naman ang mga babae diba.

Teka, e bakit parang may mga namumuong luha sa mata ni miss ganda? Luha ba yun? Baka naman naghikab lang siya. Ow freak! Umiiyak siya. Ano kayang nagyari sakanya? Naku, kung kelan naman ayoko siyang paupuin, dun pa ata niya kelangan ng comfort. At hindi ko to pwede palampasin, I feel the urge to comfort her. I know she needs it.

Ano bay an, kakasabi ko lang na ayoko siyang lapitan e, tapos eto ako, tatayo para lapitan siya.
Okay, hingang malalim. “Ahh miss, dito ka na o. ikaw na umopo dito. Mukang hindi ka ok.”
Ayan nanaman ang walang kupas niyang ngiti. Ngumiti lang bilang pasasalamat. Sana manlang mag-thank you siya. That would start a conversation.

O sige, hihirit pa ko ulit, “Ahh ok ka lang ba? May nangyari ba?”
Nguniti at umiling? Ayaw niya ba talaga akong kausap? Ang suplada naman nito. Ah, baka naman may pinagdadaanan lang talaga.

Sige isa pa, last na to, pag di siya sumagot, end of conversation, kahit wala naman talagang conversation. “Wag mo yang solohin, ishare mo yang nagpapalungkot sayo. Makakatulong yun para gumaan ang pakiramdam mo.”

Ngumiti siya ng pilit, ibinuka ang bibig. Sa wakas! Kakausapin niya ko.
“WALA ‘TO, NALALA KO LANG YUNG BOYLET KO.”

iwanticewater.wordpress.com
Teka sino yung sumagot, yung lalaki bas a likod ko? Yung lalaki sa tabi niya? Anak ng pu&%@#!@#$@! Kay miss ganda bang mga tinig yun? Walanghiya, tinalo pa yung lalim ng boses ko a.


Anak ng pusakal. Lalaki tong miss ganda na to? Anak ng p@#$%#$@^&&!!! Tatlong taon???!! Tatlong taon akong nagoyo? Anak ng walanghiya!!! Isa ata to sa mga sumali ng SUPER SEREYNA! Arggggggg!!!! WOOOH! Sarap manuntok.

Makababa na nga, lilipat ako ng ibang bus. Anak ng, kahit malate ako, lilipat talaga ako ng bus, wag ko lang makasabay tong anak ng, manlilinlang na to.

Wooooooooooohh!! Badtrip na araw to!! Gusto ko bigla umabsent!!!





(Note: Pasingtabi po sa mga matatamaan, kung meron man. Eto po ay halaw sa opinyon ng isang character dito sa istorya. Maaring nagyayari sa totoong buhay. At ito ay isang pangyayari lamang. Kung meron mang masaktan, patawad po. Naglalahad lamang ako ng istorya, base sa reyalidad ng buhay.)

P.S. Si Bembong ay magsusulat na din mula ngayon. :)

Thursday, September 12, 2013

Mga Katha sa HRD (BATCH 2)

(Special Edition)

BATCH 2

======================================================

“Sino Ako”

Sino ako para mawalan ng oras sa Iyo?
Gayung ibinigay Mo ang lahat ng kailangan ko.
Sino ako para hindi sundin ang kagustuhan Mo?
Gayung ang buhay ko’y Iyong planado,
kung magtitiwala lang sana ako.

Sino ako para isiping hindi ka totoo?
Gayung kapaligiran na mismo ang nagsasabing sila’y nilikha Mo.
Sino ako para pagdudahan ang Iyong kakayahan?
Gayung di Ka nagsasawang patunayan,
ang gilalas Mong kapangyarihan.

Sino ako para di tumugon sa Iyong tawag?
Gayung bawat daing ko’y Iyong dinidinig.
Sino ako para hindi ka papurihan?
Gayung nararanasan ko naman ang Iyong kadakilaan?
                na hindi mabibilang sa kahit anong paraan.

At sino ako para ipag-sa-walang bahala Ka?
Gayung sa kabila ng mga kasalanan ko,
Mahal mo ang balewalang katulad ko.
May 17, 2011


“Nothing to Fear”

O God, I’m scared.
I hear the trembling of the sky.
I see the mighty thunder kiss Your land.
What else could happen my Lord?

Is it the time You were saying?
The earth is starting to dance for Your grace.
But my dear God, I’m scared.
Ease the fear and calm my care.

Remind me of Your love and mercy.
And make me know of Your protection
For I’m like a child,
Fearful, innocent and fragile.

And I know You love me and all the people
And when Your time is here to come,
You’ll be standing infront of me.
I will be covered by Your awestruck love.
May 23, 2011


“Hole”

There’s a hole in me,
                it makes me feel so incomplete.
I’m surrounded by people
                but they could never filled it.
‘Cause this hole in me
                does not tell its name,
                even to the one it resides in.

There’s a hole in me,
                and it makes me wonder
How God will fill
                this emptiness inside me.
June 15, 2011


“Bugtong”

Bugtong, bugtong, bugtong
kapag ito’y may ibinubulong
akin itong ikinukulong
saka ipinapabasa ng buong-buuo
sa kaibigang lagi nitong katalo.
Ano ito?

Bugtong, bugtong, bugtong
matapang sa iyong paningin
manhid ding maituturing
kalooba’y waring laging matalim
ang totoo’y umiiwas lang sa panganib.
Sino ito?

Bugtong, bugtong, bugtong
lumilipad ngunit walang pakpak
nasasaktan ngunit walang luha
umaayaw ngunit umaasa
umiilag ngunit tinatamaan din naman.
Ikaw ba ‘to?
July 9,  2011


“Stay Apart”

Should I give in?
Will I let myself now?
Can’t we just stay like this?
Thinking we’re meant to be,
But actually doing nothing.

I will not beg and make you stay
Let my heart bleed as I watch you walk away
If it’s what you want to do,
Then who am I to stop you go?

But please don’t make it hard on me
I might look strong and unwavering
But my heart is nearly dying.
For I know that you’re loving me as much as I do
Let we let each other be free on our own.

So here’s what I ask you for:
Don’t make me feel how special I am.
Don’t care too much ‘cause it feels so good.
Be the least sweet person to me.
In that way, I can still be me.

Tell me then how sweet is love,
If two hearts that beat as one remain apart?
November 16, 2011


“Malabo”

Ayokong isuko ka,
Ngunit ayoko ringipaglaban ka.
Mahal na mahal kita,
Ngunit di mo to madadama.
Gusto kong manatili ka,
Ngunit di kita pipigilan.
Ang dami ko pang gusting isulat tungkol sayo,
Pero di ko naman alam kung ano.
November 23, 2011

Saturday, September 7, 2013

Mga Katha sa HRD (BATCH 1)

(Special Edition)
BATCH 1

“Paano Ka Gigising Kung Natutulog Ka Ng Gising?”

Paano ka gigising kung natutulog ka ng gising?
Wala ka sa reyalidad at wala rin sapanaginip.
Galaw ng oras ang tanging kabig,
Nakadilat ngunit tikom ang pag-iisip.
Paano mo gigisingin ang taong natutulog ng gising?
November 9, 2010


“Irony”

You told me to take my time
but the truth is you hold it in your hand
so how can I take my time when you had it all the while?

You said that we could start like this
and this will be the beginning,
but isn’t it hard to begin when we’re already at the ending?

The irony is this: I love you
but I hate you for loving me too.
And I hate myself for loving you yet not telling this to you.
November 9, 2010


“One, two, three”

Count one, two, three
                and you’ll feel it in the wind
Hide upside down
                and you’ll see it underneath
Take three steps at a time
                and you’ll save it from a crime
Don’t wonder who and what it is
                for even Socrates wont know a thing
Just count one, two, three
                and it will know when it is.
November 23, 2010


“Silent Murderer”

The words you have said cut every inch of her
How stupid you are to be a silent murderer.
You pretend to be her savior
And she thought that you’re her protector
But in reality you’re the one striking her
Crashing every part of her heart –
That’s the reality of your crime.
And when you’re done you just leave it behind
‘cause what they see is your façade
Not the real murderer inside.
A silent murderer you are,
Only your conscience hunts.
November 3, 2010


“The Anatomy of my Denial”

I miss not the smile on your face
                Nor the sound of your laugh when your dumb.
I miss not the glimpse of your eyes on me
                And I don’t even see how beautiful those could be.
And don’t even think that I miss your voice
                There’s no enough reason for me to feel so.
You were never really been in my thoughts
                It’s because I do not miss you at all.
So please take this reality and hold
                You were never really important in my life.
You’re the subject of this poem, yes you are..
                But it’s not because I’m missing you so.
I’m writing this, just so you know,
                That I miss not the person I like the most.
April 7, 2011


“Lipad”

Ako’y isang ibong lumilipad
Malayang gumagalaw, walang humpay
Tanging Maykapal ang hawak na gabay.

Permanenteng tahanan ay kalawakan
Dun lagi matatagpuan
Kasama ang hanging may kalamigan.

Wag nang tangkaing ako’y pangalanan
Pagkat iwawaglit din ng kapalaran
Ako’y di mananatili sa kahit saan.

Sa ngayon ako’y nakadapo sayong sanga
Ngunit di magtatagal ako ri’y lilisan
Dahil yun ang aking katangian.

Ako’y isang ibon,
Kayang lumipad
Nilikhang yun ang katangian.
April 18, 2011




Tuesday, September 3, 2013

The Perfect Time

                                                                                       November 2, 2012

Not until I’m sure,
Not until I hear your heart speaks,
Not until you held my heart so dear,
Not until you fade my fears within,
Not until you say the words,
Not until we know the truth,
Not until love binds us strong,
But only when we’re ready to go on,
Is the perfect time to call us a couple.


Friday, June 21, 2013

I Need Not

 May 3, 2013

I need not a pefect man
                but someone who can admit
                the mistakes he had done.



I need not a handsome man
               but someone who has
                a strong but pure heart.



I need not a rich man
                but someone who knows
                the value of money and spends them wisely.



I need not a talented man
               but someone who nurtures
                what God has given him and uses it for His glory.



I need not a brave man
                but someone who stands for me
                when I get weak and shaky.



I need not a sweet man
               but someone who makes moves
                to prove how much he loves me.



I need not an intelligent man
                but someone who knows
                what he says and knows what to say.



I need not a popular man
                but someone who is
                true to his friends and people.



I need not a trustworthy man
             but someone who stays faithful
             even when I’m not around.



I need not a religious man
                but someone who loves
                and fears God.



I need not a joyful man
                but someone who has the ability
                to make me laugh beyond circumstances.



I need not a titled man
                but someone who goes for
                the things he called his passion.



I need not a responsible man
                but someone who does things
                out of choice and not because it’s a responsibility.

Thursday, June 13, 2013

YOU Never Get Tired

                                                                                                      March 7, 2012

You never fail to give me hope
I could cry and start to lose my faith
But you never get tired to revive my soul
So here I am praising You above all.

I could write everything about life
Or about two hearts that beat as one
And they can say how awesome and alright I am
But the thoughts I write and the words they say come empty
For without Your glory, consuming me, everything is vanity.

I know indeed, that the best poem I could ever write
Is the rhyming of Your awestruck love and power in my life.
And the best story I could ever create
Is the story of how You saved my soul in the dark
And how You never get tired o give me hope all the time.

You are always true to Your every word
You hold me tight so I wont fall down.
Jesus, I’m gonna shout Your miracles in every town
You never get tired to make me alright
And so I am standing still for Your grace is on my side.

Wednesday, June 5, 2013

Complication

                                                                                            October 6, 2011

I’m a girl with a pride higher than  my height.
I have my principles and I live with it.
I don’t go with the flow, instead I make my own flow.
I could be hurt but you wont see the difference.
I’m quiet and loud at the same time.
I’m complicated so I dare not to explain myself.
But I want you to notice when there’s something wrong,
And do something that would make me feel everything’s alright.
And though I’m quite bossy, please do it without my command.

But no matter how complicated I am.
And no matter how hard I could be
I’m vulnerable and soft when it comes to those people I love.
So tell me, how come you didn’t appreciate
When this stone had turned into a blooming flower?
Why of all people, you, who have been really close to my heart, hurt me the most?
O how it is so easy for you to make me produce salty water in my eyes.
Even this poem is ruin ‘cause you made me feel so bad
That I can’t even rhyme.

How come you never know, that when a girl turns her back,
You must come running after her!

Father to Daughter

Nakaupo siya.  Umiiyak.

Nagdalawang isip pa akong lapitan siya,  pero base sa impit na hagulgol niya,  alam ko, kailangan niya ng makakapitan.
photo credit: http://liliclilac.blogspot.com

Umupo ako sa tabi niya.

Tumingin siya sakin.  Humihikbi,  Lumabas ang garalgal na boses sa labi niya.  “Bakit mo nagawang ipagpalit si Mama?!!... Pa, bakit??”

Labing-apat na taon.  Ganun katagal na kaming hiwalay ng mama niya.  Pero sa tinagal-tagal,  ngayon lang niya nagawang itanong ‘yun. Ni minsan nga hindi niya ko kinumpronta sa kinahantungan ng relasyon namin ng mama niya.  Ngayon lang.

Pero sapat na yun para malaman ko ang dahilan ng pagpunta niya sa bahay.  Ang totoo,  yung tanong niya ay naghahanap ng sagot; sagot na hindi dapat sakin magmula;  sagot na papawi sa nararamdaman niyang sakit ngayon.  Sakit na hindi naman ako ang may dulot.

Nakatingin pa rin sakin ang nag-iisang prinsesa ko.  Waring hinihintay niya ang sagot ko.
Ako na ang umiwas ng tingin.  Hindi ko kayang makipagtitigan sakanya.  Hindi ko kayang makita ang mga mata niya na ganun kamugto.  Ayoko makitang ganito kamiserable ang nag-iisang anak ko. Ang pinakamamahal ko sa buong mundo.

Nagngingitngit ang loob ko. Walanghiya yung lalaking yun,  sabi ko ingatan niya ang prinsesa ko!  Sabi ko,  wag niyang gagayahin ang nagawa ko!

Gusto kong biglang lumabas ng bahay at hanapin ang hudas na asawa ng anak ko. May kakahantungan talaga sakin ang lalaking yun!  Ihahatid ko siya sa bungad ng impyerno, makikita niya!!

At bakit nga ba ko nagtiwala sa hudas na yun?  Bakit sakanya ko ipinagkatiwalang ikasal ang nagiisang prinsesa ko?

Patuloy lang sa pag-iyak ang prinsesa sa tabi ko.  Hindi ko siya magawang yakapin.  Bakit ganito?  Parang ako ang salarin.  Wala akong masabi para sa ikagagaan ng nararamdaman niya.

Ano naman kasing ilalabas ko sa bibig ko?  Na ayos lang yan?  Na kakarmahin din yun?  Na babalik din ang ungas na yun sayo? Na Kalimutan mo na siya? Argghh!  Hindi ko alam anak.  Ano bang gusto mong marinig na sabihin ko?

“Tahan na anak..”  Yun nalang ang nasambit ko.

Sumagot siya,  “Hindi ko kaya.  Hindi ko mapigil ang pagiyak ko.”

“Nasan yung hudas na yun?  Mapapatay ko siya!” Nasambit ko ang kanina pang pumapasok sa isip ko.

“Ako nalang ang patayin mo.”

“Alam mo ba ang sinasabi mo?  Magpakatatag ka ngaI” Sa inis ko sa hudas na asawa niya,  yan tuloy ang nasabi ko.

“Ikaw Pa?  Alam mo ba ang sinasabi mo?  Alam mo ba kung gaano kasakit iwanan ng asawa, yung nagmakaawa ka na pero hindi parin ikaw ang pinili niya?  Mas nanaisin ko pang mamatay nalang kesa magpatuloy sa ganitong sakit! Ganun kasakit!!  Akala mo ba nag-iinarte lang ako? Oo, siguro nga kahit anong paliwanag ko,  hindi mo ko maiintindihan. Alam mo kung sinong makakaintindi sakin? Si Mama!”

Nagkamali siya. Nung iniwan ko sila ng Mama niya nasaktan din ako.  Ilang beses ko sinubukan bumalik,  pero iba na ang lahat. Ibang tao na ang Mama niya.  Hindi na niya magagawang mahalin ako tulad ng dati. Bumalik man ako,  alam kong iba na ang sitawasyon.  Hindi na mababalik ang dati.

Akala ko anak naintindihan mo.  Minsan lang ako nagkamali.  Nagkasala ako,  nadala ako sa tawag ng laman at nagkamali ng desisyon.  Inamin ko naman yun sa Mama mo.  Pero minsan kahit gusto mo nang itama ang lahat,  hindi na pwede.   Kaya nga habang lumalaki ka,  kahit magkahiwalay kami ng Mama mo,  ginawa ko ang lahat para hindi magkulang sayo bilang ama.  Kahit dun manlang makabawi ako.  --- Yan sana ang gusto kong sabihin sakanya.  Pero tumayo na siya palayo sakin,  paano pa ako magkakalakas ng loob?

Lalo na nung sinabi pa ‘to ng prinsesa ko bago tuluyang umalis, “Alam mo, karma mo to e.  Iniwan mo kasi si Mama kaya nangyari sakin ‘to ngayon!  Look what you’ve done!  Dinamay mo pa ko!!  Ang sakit-sakit!!  I don’t deserve this.  It should be you..  This should be you…”

Kung sakin lang pinalo ko na dapat siya sa pwet na parang bata, o kaya sinungalngal ko na yung bibig niya dahil sa pagsagot ng ganun.  Pero hindi galit yung naramdaman ko nung narinig ko yun.

Ang sakit.  Masakit.  Hindi dahil sinabi niya sakin yung mga yun,  kundi dahil she’s hurting so bad. And it hits me a million times inside.

Nung nakaalis na siya ng tuluyan, dun bumuhos ang luha ko.  Hindi ako umiyak nung naghiwalay kami ng Mama niya, pero ngayong naghiwalay sila ng asawa niya,  umiiyak ako.  Gusto kong maalis yung sakit na nararamdaman niya.  Sa twing naaalala ko yung mukha niya habang umiiyak,  nasasaktan din ako.  Eto yun e,  yung sinasabi niyang mas nanaisin mo pang mamatay nalang kesa magpatuloy sa ganitong sakit!

I can’t believe I’ve done something so cruel to someone..  to her mom.  Kung alam kong ganito kasakit ang pagdadaanan niya,  hindi ako magpapadala sa tukso. Hindi ko siya iiwan.


Pero huli na ang lahat.  Nagawa ko na,  nakasakit na ko. Diyos ko, alam ko napatawad mo na ko.  But if I could just do something to make things better, show me how.

Friday, May 10, 2013

Alamat ng Engagement Ring


Hindi ko alam kung saan nagmula ang alamat na ito na ikinuwento pa sa akin ng magiting kong lolo, pero ganun pa man, ipagbibigay alam ko na rin ito sa publiko. Isisiwalat ko ang sinasabing alamat ng aking lolo Ingkong, ang Alamat ng Engagement Ring (e ano nga bang tagalog ng engagement ring? hehe).

Sabi ni lolo Ingkong, noong unang panahon daw, wala naman talagang enge-engagement ring ang magsyota. Syempre, alam ko naman yun (duh!). Pero ganun pa man, dahil matanda na si lolo Ingkong, pinagbigyan ko nalang at nagkunwaring interesado sa ikinukwento niya.

Ang totoo nagulat nalang din ako, kasi namalayan ko nalang na naging interesado na ko sa kinukwento niya. Pinapakinggan ko ang bawat detalye ng lahat ng pangungusap na lumalabas sa bibig niya, inaabangan ang mga susunod na mangyayari. At hanggang katapusan, buong-buo ang atensyong ibinigay ko sakanya.

So ano, handa na ba kayo? O sige, kahit hindi ko alam kung interesado kayo, sisimulan ko na ang alamat na ito. Ikwekwento ko ang kwento ng lolo Ingkong ko.


Ang Alamat ng Engagement Ring, Bow.

Noong unang panahon, nung hindi pa uso ang komiks, tv, betamax, cellphone, at kung-anu-ano pang bagay; nung ang mga tao ay meron lang sibat, itak, bahag, at kung anu-ano pang sinaunang bagay, merong dalawang mag-syota. Lelong ang pangalan ng lalaki at Banaya naman ang pangalan ng babae.

Edi ayun nga, si Lelong at Banaya ay magsyota mula sa magkaibang tribo. Magkaibang tribo, kasi pitong bundok ang pagitan ng bahay nilang dalawa. Kung iniisip niyo kung paano sila nagkakilala, wag kayong mag-alala, iniisip ko din yun hanggang ngayon. Basta magsyota na sila at plano na nilang maging mag-asawa.

Napagpasyahan nilang sa tribo nila Banaya ganapin ang kanilang pag-iisang dibdib, dahil na rin sa kalagayan ng ama ni Banaya. Masyado na itong matanda, mahina na at baka hindi na kayaning tawirin ang pitong bundok (Oo nga naman no, konsiderasyon naman sa matanda..hehe).

Handa na ang sana ang lahat, ngunit isang linggo bago ang pag-iisang dibdib nila, naganap ang isang digmaan sa tribo nila Lelong. Kung sa panahon natin merong tinatawag na world war, sa panahon nila merong namang tribe war.

At dahil lalaki si Lelong, syempre kasama siya sa tribe war. Hindi pinahihintulutang sumama ang mga babae sa labanan, tanging mga lalaki lang ang ipinapasabak ng mga tribo sa digmaan. At dahil kailangan gampanan ni Lelong ang tungkulin niya sa kanyang tribo, hindi niya inurungan ang pagsali dito, kahit pa nga nalalapit na ang kasal nila ni Banaya. Ngunit ayaw ni Lelong na mag-alala si Banaya sa kalagayan niya, kaya hindi niya ipinaalam ang tungkol sa labanan.

Kasama ang ama ni Lelong, lumakad na sila upang ipagtanggol ang kanilang tribo. Ano nga bang dahilan ng kanilang pakikidigma? Hindi na malinaw ang dahilan, basta, makikipaglaban siya at ipagtatanggol ang tribo nila.

Habang nasa labanan na si Lelong, ay dalawa lang ang nasa isip niya –  Una, ang mabuhay!  Ang makabalik ng buhay para kay Banaya. Ikakasal pa sila sa isang linggo. At ikalawa, ang maprotektahan ang ama sa labanan.

Balot ng kalasag ang buong katawan ng bawat kasali sa digma. Mula ulo hanggang paa, pula ang kulay ng kalasag ng tribo nila Lelong. Itim naman ang kulay ng kalasag ng kanilang kalaban.

Isa, dalawa, lima, sampu. Hanggang sa hindi na mabilang ni Lelong ang mga napatay niyang kalaban.

Sumandal sandali si Lelong para magpahinga. Ibinaling niya ang mata sa kanyang ama, Nakita niya na isang kalaban ang lumulusob dito at dehado ang kanyang ama sa laban. Tumakbo siya papalapit dito, pero habang papalapit siya, kitang-kita ng dalawang mata niya ang itak na tumabas sa bewang ng kanyang ama. 

Napaluhod ang ama niya. Humiga. Ipinikit ang mata.

Agad-agad sinugod ni Lelong ang kalaban ng ama. Tinagpas din ni Lelong ang bewang ng kalaban at napahiga ito.

Lumapit si Lelong sa kanyang ama, pero huli na pala siya. Wala na itong buhay. Ni hindi manlang niya narinig ang huling habilin nito bago malagutan ng hininga. Hindi katulad ng mga napapanuod natin sa TV ngayon, mamamatay nalang ang dami pang sinasabi.

Habang yakap ang ama, ngumalngal si Lelong. Iyak na mas matindi pa sa batang nasubsob ang muka sa aspalto – ito ang umalingawngaw sa lugar.

Muli niyang nilingon ang kalaban na pumaslang sa ama niya. At aba, buhay pa pala ito at nagtatangkang tumakas. Gumagapang palayo.

Nagngingit-ngit sa galit si Lelong habang papalapit sa lapastangang pumatay sa kanyang ama. Kung walang puso niyang pinatay ang kanyang ama, ganun din ang mararanasan ng lalaking ito. Lintik lang ang walang ganti!

Kinaladkad niya sa paa ang gumagapang na kalaban. Pero nagawa pa siyang sipain nito. Nakatayo ito at tinangka pa siyang tagpasin gamit ang itak na hawak. Nakailag siya, ngunit na hagip ng kaunti ang kanyang braso at nagtamo ng maliit na hiwa. At sa kabila ng sugat na natamo ng kalaban sa bewang, nagawa pa nitong muling sumugod at tagpasin naman ang ulo ni Lelong. Mabuti at naka-ilag si Lelong. Ang proteksyon niya lang sa ulo ang nahagip at nalaglag sa lupa. Nakita tuloy ang mala-Jack Sparrow niyang mukha (Wow, ang pogee ah..).

Lalo pang nadagdagan ang galit niya sa kalaban na balot ng itim na kalasag. Kung sakaling hindi siya naka-ilag, hindi na siya makakabalik ng buhay kay Banaya. Papatayin niya talaga ang barabas na ito, hindi lang para sa kanyang ama, papatayin niya ito para rin kay Banaya.

Hindi pa man sumusugod si Lelong, humakbang na paatras ang kalaban, waring nadama ang galit ni Lelong at natatakot nang muling sumugod. Waring hindi makagalaw (nakakatakot ba ang pagmumukha niyang kamuka ni Jack Sparrow?).

Sinamantala naman ito ni Lelong, agad na dinagdagan ang sugat ng kalaban. Masidhing initak ang dibdib nito. Lumagapak sa lupa ang kalaban na ballot ng itim na kalasag. Buhay pa ngunit halatang naghihingalo na ito.

Ngunit hindi pa kuntanto si Lelong. Para sa kanya, hindi pa niya naigaganti ang kanyang ama. Ipapadanas niya sa kalaban ang paghihirap bago mamatay.

Lumapit si Lelong sa nakahigang kalaban. Tumayo siya sa ibabaw nito. “Nagkamali ka ng pinaslang! Bakit ang aking ama pa?” – puno ng galit na sabini Lelong.

Binitawan naman ng kalaban ang itak na hawak-hawak niya pa pala sa kamay niya, at pilit na inaabot si Lelong. Waring nagpapaawa na wag siyang tuluyang paslangin. Nginisian lang ito ni Lelong at tinapakan niya ang sugat ng kalaban sa dibdib. Itinaas na ni Lelong ang kanyang itak, pupugutan niya ng ulo ang lalaking ito.

Hindi pa rin ibinababa ng kalaban ang kanyang kamay – ang tanging bagay na hindi nababalutan ng itim na kalasag. Nagpapaawa at nagbabakasakaling mapigilan si Lelong sa pagtagpas ng ulo niya.

Nakaramdam ng awa si Lelong. Sino kaya ang lalaking ito, kawawa naman ang pamilya niya dahil iuuwi siyang walang buhay sa kanilang tribo. Ngunit hindi pwedeng magpatalo sa awa si Lelong. Naalala niyang ito ang pumaslang sa ama niya. Gayunpaman, dahil may puso naman si Lelong, sa dibdib nalang niya muling tinagpas ang kalaban.

Ngunit buhay pa rin ito,at marahang itinataas ang kamay sa kanya. Naisip ni Lelong na matapang ang kalaban niya, sa halip na magpatay-patayan, iniaabot pa ang kamay sa kanya. Dahil humanga siya dito, inalis niya ang kalasag nito sa ulo.

Nanlambot ang buong pagkatao ni Lelong. Maging ang bibig niya ay hindi alam kung anong dapat sabihin. Tanging ang mga mata niya ang nakapagpahayag ng nararamdaman niya. Nagbagsakan mula dito ang luhang di mapigilan ang agos.

Hinawakan ng kalaban ang muka ni Lelong. Hinaplos. At kahit hirap na hirap ng magsalita, lumabas ang tinig ng isang babaeng pamilyar na pamilyar kay Lelong. Tinig na nakatatak sa puso’t isip niya. ”Mahal ko, nagkamali ka ng pinaslang.. Bakit ako pa?..”

Humagulgol lang si Lelong, hindi pa rin mahanap ng labi niya ang mga dapat sabihin. Niyakap niya ng mahigpit si Banaya. Alam niyang maya-maya lang mawawalan na ito ng buhay.

At ganun nga ang nangyari, namatay si Banaya sa mga bisig ni Lelong. Dun lang kumawala sa labi ni Lelong ang isang malakas na sigaw. Isinigaw niya ng buong lakas ang pangalan ni Banaya. Dito niya idinaan ang pighati, sakit ,at pagsisisi na nadarama.

Natigil ang labanan ng biglaan. Hindi nila kinaya ang pighating natamo ni Lelong. Kilala nila ang dalawang magkasintahan. At hindi lingid sa kanila na sa isang linggo na dapat ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Bakit nga ba hindi pumasok sa isip nilang ipaalam sa magkasintahan na ang tribong makakalaban ay ang tribo ng isa’t isa. At napatanong ang lahat kung anong ginagawa ni Banaya sa isang digmaan na para lamang sa mga lalaki ng kanilang tribo? Naalala nila ang ama ni Banaya, at alam na nila ang kasagutan.

Nung araw na iyon, walang nanalo, walang natalo, maliban kay Lelong na napuno ng kasawian.
Kinagabihan, nakarating si Lelong sa bahay nila Banaya para ihatid ang katawan nito sa kanyang ama. Alam na ng ama ang nangyari kay Banaya, dahil sa mga tsismosong katribo niya na nagbalita sa kanya ng mabilis pa sa alas-kwatro.

Sinalubong siya ng tanong ng ama ni Banaya, punung-puno ito ng pighati. “Paano mo nagawang paslangin ang babaeng sinasabi mong mahal na mahal mo higit pa sa sarili mo?”

Napalugmok sa sahig si Lelong, wala na siyang luhang mailabas, “Paano mo nagawang pahintulutang ilagay sa panganib ang buhay ng sarili mong anak?”

Niyakap ng ama ni Banaya ang walang buhay niyang anak. “Anak, bakit? Mas nanaisin ko pang ako nalang ang napaslang kesa  makita ang walang buhay mong katawan.”

Habang nakatingin sa kawalan muling nagsalita si Lelong, “Kung meron lang akong nakitang palatandaan, kahit manlang sa kamay niya na pilit niyang inaabot sa akin, baka nailigtas ko pa ang buhay ng mahal ko, siguro sana’y nakilala ko ang mahal ko kahit nakatakip ang kanyang muka…”

Narinig ito ng isang tsismosong konseho sa tribo nila Banaya. Naantig siya at naawa ng lubos sa sinapit ni Lelong. Kaya naman nakaisip siya ng bagong batas na dapat ipatupad. Makalipas ang isang lingo, sa mismong araw na dapat ay ang pag-iisang dibdib nila Banaya at Lelong, isang batas patungkol sa magkasintahan ang ipinatupad.

Ang lahat ng magkasintahan na may planong magpakasal ay nararapat magsuot ng singsing – pares ng singsing na magbibigay ng pagkakakilanlan sa kanilang iniirog.


At yun nga, hanggang sa nag-evolve na at tinawag na Engagement Ring.

So ano? Kayo na ang bahala kung paniniwalaan niyo ang alamat na ito na kwento ni lolo Ingkong. Sabi niya kasi ang pangalan daw ng lolo niya sa tuhod ay Lelong. Sabi ko naman, “Ay naku lolo Ingkong, lokohin mong Lelong mo.”


Hehehe… O siya, hanggang sa muling kwento. J