para sa taong kumarga sakin nung nahulog ako sa hagdan kahit di naman masakit;
para sa taong unang nakaalam na gustung-gusto ko pagdumadaan ang bus na sinasakyan namin sa fly-over;
para sa taong nag-explain kung ba't dapat ko makita ang red na langit nung gabing yun, na ilang dekada pa ang dadaan bago masilayan ulit;
para sa taong pag naghatid sakin sa school madalas late ako, pero sagot niya ko sa teacher tongue emoticon ;
para sa taong namilit samin matulog sa tanghali, kaya siguro matangkad kami;
para sa taong nagsusuyod sa buhok namin nung may kuto pa kami tongue emoticon ;
para sa taong ipinasyal kami sa iba't ibang lugar;
para sa taong seryoso kapag nagluluto at kapag naglilinis ng baril;
para sa taong nakakatawa paglasing;
para sa taong hanggang ngayon hindi kami iniwan kahit hindi na namin siya kasama gabi-gabi...
para sa lalaking mahal na mahal ng kanyang mga anak, at ng kanilang ina..