Friday, August 14, 2026

Minsan Palagi

kung minsan, 

naiinis ako sa mga ginagawa kong tula


hindi dahil kulang sa tugma

hindi dahil walang diwa at kaluluwa

hindi dahil sa hindi malawak na lathala


kundi palagi, 

may kasamang pag-ibig ang aking paglikha


na palaging may bitbit na katotohanan

na mga kataga'y maaaring sayo'y sumugat

na sa kabila n'on ay nagawa ko pa ring ilathala


kung minsan, 

naiinis ako sa mga ginagawa kong tula


dahil ikaw ang bumabasa

habang siya ang paksa

No comments:

Post a Comment