May isang enkwentro na ikwekwento ko sa'yo,
Nagusap kami ng taong pinagseaelosan mo,
Ah, hindi ba? Okay, edi hindi, o siya,
Hayaan mong ituloy ko na nga ang istorya
May mga bagay kaming pinagusapan,
Pero dun tayo sa highlight ng kwentuhan,
Tinanong niya ko kung kaya ko ba siyang mahalin,
Sa mahabang panahon o walang katapusan,
Na walang ibang iibigin kundi siya lang,
Sandali akong nag-isip at sumagot ng "oo"
Ngumiti siya... O, teka, san ka pupunta?
Sandali nga, at hindi pa naman tapos ang istorya,
Sigurado ka? Sigurado kang ayaw mo na malaman pa?
Kung 'yan ang gusto mo, sige, umuwi kang luhaan,
Pero kung ako sa'yo makikinig pa ko ng ilang minuto
Mamaya ka na kasi mainis, at basta s'akin ay makinig,
Kasi alam mo bang nakakatawa kung iyong iisipin,
'Di ba't ako'y sandaling nag-isip bago tumugon ng "oo"
Rumihistro sa isip ang basehan ng aking sagot na 'to
Isang tunay at dalisay na imahe ang malinaw na tugon
Nakita kita, at kung gaano katagal na kitang iniibig, walang iba
Oo, kaya kong magmahal ng walang iba, sa mahabang panahon,
Giliw, ikaw ang basehan ng aking tugon.