Showing posts with label relationship. Show all posts
Showing posts with label relationship. Show all posts

Thursday, July 9, 2026

That's the Truth I Don't Like To Admit

There's this truth I don't like to admit

because admitting it wouldn't stop the story

because it will reveal how villain I can be


But since you have shared something truthful

allow me too to unfold the load I carry

for once, let me be the villain I am, not the damsel in distress


 Truth is, I don't want you to move on from me,

I want you to remember me when you look at the moon

I want to be the name you scream out on top of a mount

I want you to curse the night you let go of me

and cry a river for the things you haven't said in my face 

I hope you never heal no matter how many letters and poems you write in my memory


That's how villain I can be

wanting we'd have the same pain

for turning our back to a love so great


Darling, please accept my apology 

for being a villain you wouldn't thought I could be

and perhaps, I have gave you enough reason to despise me


That's the truth I don't like to admit 


And in spite of it all

I hope when you hear my name

it'll make your heart leap

as you try to stop yourself from smiling

because somewhere out there 

is the love you found so rare

Sunday, April 5, 2026

Pangalawang Pinakamataas na Uri ng Pagmamahal Part 2

'Di ba favorite mo 'yung One Piece? 


Oo. 


Bakit wala kang reaksyon, e sikat na sikat sa mga memes 'yun kada may ilalabas na update. 


Wala namang humihingi ng reaksyon ko. Saka walang makakaunawa. 


Try me. 


Saang part ba? 'Yung recent?


Sige, magsimula tayo sa recent. 


Well, I think, para sa ibang level ng pang-unawa, love triangle si Imu, Joyboy, at Lily. Pero on a deeper and wider perspective, Imu represents a controlled world, a systematic world na siguro gusto niyang pamunuan, while Joyboy represents freedom, world without walls, no one can dictate you to pay taxes or be in a 9 to 5 job kasi may mga pananim ka sa tabi ng bahay mo na pwede mong pitasin once magutom, or mangisda sa dagat kung gusto mo, anytime pwede ka umakyat ng bundok, you are always close with the nature. Kasi admit it or not, sino lang ba ang higit na nakikinabang sa mundong controlled at systematic? It's like the moment you were born, bound ka na maging slave ng crineate nilang sistema.


So, kaya may void century? 


Yes, I think so, sa pagpili ni Lily kay Joyboy, which is freedom, nagkaron ng malayang mundo. 'Yun 'yung century na inalis nila sa history. 


Ah, pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal. 


Ha? Hmm... Nakonek mo pa 'yun? 


Huwag mo sabihing nakonek mo 'yan lahat, tapos 'yung simpleng connect A to B 'di mo napagtugma? Mali ako ng tawag sa'yo, kasi hindi ka naman tanga. Pero siguro hindi pa nag-eexist ang word na saktong idedescribe kung anong klase ka mag-isip o umunawa. 


So, mapanganib nga 'no? To the point na naclaim ni Imu ang tinatawag nilang the devil who rules the world.


Exactly. All because of Lily or all for Lily.


Kaya minsan, naiinis ako pag may meme na dumaan sa feed ko mocking the pain and heartbreak of Imu as if we've never been to that kind of pain. Naniniwala na ko sa sinasabi mong hindi humuhupa ang pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal. At siguro kaya sila tumatawa kasi rare nga lang 'yun.


Exactly. Sapat nang rare 'yun, biruin mo ilang century ang magiging void, kung hindi. 


Void lang naman siya kasi hindi na nilagay sa mga history books or inalis sa history. Pero I doubt na it was wiped out or obliterated.


So, that freedom is somewhere out there?


Yes.


A place where Imu is not welcome? 


A place where a changed Imu is welcome. An Imu who is embracing freedom as well and not power.


Pero may nakalimutan ka, he is carrying the second highest form of love for Lily. The Lily who chose Joyboy over him.


If he is indeed carrying the second highest form of love, di ba sabi mo kahit pa maging pag-aari ng iba ang puso ng mahal niya, mananatili lang ang pagmamahal niya, it's not the kind of love na ipinipilit. I remembered you said that clearly.


Oo nga, pero baka kasi I'm speaking for myself. Baka iba pala si Imu.


What? You are speaking for yourself? You are carrying the second highest form of love? Aba, aba, who's the unlucky girl? 


---


Wow, deadma. Well, kung igigive up ni Imu and desire nya to control the world and the power over it, tingin ko, ang matitira na lang talaga sa kanya ay 'yung pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal. And hindi na 'yun mapanganib.


Mapanganib 'yun. Sa tingin mo ba kaya lang yun naging mapanganib dahil sa desire nya sa mundo? Stand alone ang pagiging mapanganib ng pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal, katulad ng sinabi ko sa'yo. Kung sinasabi mong hindi na wipe out ang void century at binura lang sa history. Etong pagmamahal na meron si Imu kaya talaga 'nun gumunaw ng mundo para kay Lily.


Well, sabi mo baka you're speaking for yourself lang.


Hayaan na nga natin si Oda d'yan. Istorya niya 'yan. Kahit naman magbigay tayo ng mga teorya, siya pa rin ang gagawa at tatapos ng kwento ni Imu.


Tatanong-tanong ka, 'di ka pala ready sa sagot ko. The world ia not ready for my thoughts nor the way I think. Gawan mo ng one word yan. 'Tas yun ang itawag mo sa kung paano ako mag-isip o umunawa. 


Let's call it by your name then. Sherielize. You think sherielizedly, it enlightens and worries me at the same time.


Enlighten ba talaga? O siya, pababa na kami ng summit ni Frank, wala nang signal sa ibang parte ng bundok. Ingat ka d'yan. 


Ingat.


-------

Tuesday, March 24, 2026

Pangalawang Pinakamataas na Uri ng Pagmamahal

Alam mo yung pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal?


Parents' love. 


Hindi. 


Naranasan o natagpuan ko na ba yun? Kasi paano ko 'yan masasagot kung di ko pa pala yan naranasan. 


Antanga mo naman kung hanggang ngayon, hindi mo alam. 


Grabe ka naman, paano kung 'di ko pa nga naranasan, pagbibintangan mo pa kong tanga. 


I-explain ko sa'yo ha. Ang pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal ay 'yung mahal ka nang buong ikaw, hindi lang sa metapisikal pero maging ang kaluluwa mo. Uunahin niya ang kaligayahan o nakabubuti sa'yo bago ang sarili niya. Kaya niyang ialay ang lahat sa'yo, gawin ang mga bagay para lang masiguro na maganda at maayos ang kalagayan mo. 


Hindi ba 'yan parents' love? 


Hindi nga. Ang parents love nag-eexist dahil galing ka sa similya at egg cell nila, dugo't laman ka nila kaya ka nila mahal. Pero 'yung pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal, hindi natatali dun, o sa simpleng atraksyon, 'yung tipong kahit hindi ka nahawakan sa kamay, handang ibigay ang lahat sa'yo kesa hodang barabas pala ang nakaraan mo, kesa hodang hindi masuklian ang pagmamahal na meron siya, kesa hodang may ibang magmay-ari ng puso mo, kesa hodang mag-iba ang mga landas niyo, hindi hihinto ang uri ng pagmamahal na 'to. 


Ang martir naman nun. 


Hindi martir. Mapanganib. Kaya madalas hinahadlangan 'to ng langit. 


Bakit hahadlangan ng langit ang ganun kadalisay na pagmamahal? 


Dahil mapanganib nga. Just think of the possibilities na pwedeng mangyari kapag hindi nahadlangan ang ganung uri ng pagmamahal. 


Edi mundong puno ng pag-ibig. 


Mali, mundong puno ng paghihiganti at mundong hahayaan niya lang magunaw kung kapalit naman nito masaya at maayos ang buhay ng taong mahal niya. Mundong kahit kelan, kaligtasan mo lang ang pipiliin niya kahit gaano karami pa ang isakripisyo niya.


Oo nga, mapanganib nga. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ko o malulungkot pagnakatagpo ako ng ganyang pag-ibig. 


Bakit, tingin mo ba hindi ganuon ang uri ng pagmamahal sa'yo ni Frank? Swerte mo, pagnakatagpo ka ng pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal, bibihira lang yun, rare. Kaso, tanga ka, tingin ko kahit makatagpo ka nun, di mo mamamalayan. 


How sure are you na tanga ko sa bagay na 'yun? 


Kasi sa haba - haba ng explanation ko, 'di mo pa ding maamin na ikaw nga ay tanga nga. O siya, kunin mo na lang yung bisikletang 'to, maglalakad na lang ako pauwi, mataas ang gasolina ngayon dahil sa gyera sa Middle East, 'wag ka muna magmotor. 'Wag mo kalimutan yung helmet ha. Isuot mo at ayokong makapatay ng tao dahil lang nabangga ka at nabagok ang ulo mo.


Siraulo! Oo na, sige na! Hinihintay na ko ni Frank sa bahay. Ibalik ko na lang sa'yo pagnagroll back ang gasolina. 


Asa ka pa 'dun? Anyway, 'wag mo na ibalik. Pamana ko na yan sa'yo. Mamaya may flight ako pa Toronto. 


Ha? Pambihira ka. Bakit pamana? Di ka na ba babalik? 


Hindi na. Ano sama ka?


Siraulo!


Sige na, hinhintay ka na ni Frank. 


Seryoso nga iiwan mo na ang lugar na 'to? 


Kanina pa ko seryoso sa lahat ng pinagsasabi ko. Buti nga nagpakita pa ko sa'yo bago umalis. 


Siraulo! Buti kamo, sinipot kita. Panu pala kung hindi, edi--


Edi sesendan kita sa messenger ng sunset. 


Siraulo, di ko yun magegets. 


Tingnan mo, edi tanga ka talaga. 


Siraulo! 


Siguro nga. Isang tanga at isang siraulo, magkasama ngayon. 


...


...


Dalawin ka na lang namin ni Frank dun. 


Ikaw bahala. Sige na, may mga aayusin pa kong gamit, istorbo ka na.


Tse.


Seryoso, umalis ka na, sakyan mo na yang bike, wag ka na magpaabot ng dilim. O, yung helmet sabi, eto, o. 


Ingat ka sa byahe mo. Balitaan mo ko sa buhay mo dun sa Toronto. Hangad ko, kahit sinasabi mong mapanganib, makatagpo ka dun ng pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal.


Susubukan ko. 


Deserve mo 'yun.


Sige na, tutuloy na ko.


Kita tayo sa hinaharap.


Baka hindi na, masyadong mapanganib. 


Ha? Tingin ko naman huhupa na 'yung gyera. Lahat naman humuhupa.


Hindi ang pangalawang pinakamataas na uri ng pagmamahal.


Sigurado ka?


Tandaan mo 'to, kahit tanga ka, ma--


Siraulo! Sige na, lumakad ka na nga. Paano, salamat dito sa pamana mong bike ha.


Ingat. 


Ingat.


....... 


....... 

Tuesday, March 17, 2026

Heto Na Naman

Heto na naman ang panahon kung saan tinatawag ako ng pagsusulat, 

Iwan ko daw ang anumang ginagawa ko at mas lumapit sa kanya

Siya daw ang bahala sa akin na para bang may kapalit na salapi ang bawat kong titik


Mahirap hindian, o hindi ko kayang hindian

Nakapaglabas na ko ng mga tula at kwento

Pero heto siya hinihila pa din ako sa kanya


Wala kong inspirasyon, tugon ko sa kanya, 

"Sinungaling..." sabay pitik sa aking bunbunan

May mga bagay na hindi ko sa kanya maikukubli


"...wala kang inspirasyon sa trabaho, 

pero sa akin, umaapaw,

na kung minsa'y iyong pinipigilan pa


Ako na lang kasi ang trabaho mo, nagsusumamo ako"

Ngumisi ako, ano pa nga ba?

Oras nga ng trabaho ko at heto, ikaw ang ginagawa ko.

Sunday, January 18, 2026

Outside the Comfort

You only love me in your comfort

outside it,

you left me wondering if I'm hard to love


That, perhaps,

is the greatest betrayal of your love, 

making me question its existence


Because, my love, 

if your love for me is real, 

why is it not felt outside your comfort?

Wednesday, December 7, 2022

Nilaga

Habang namimili ng lahok
Beef cubes siya'y dumampot
I don't need that bigla kong tugon

Siya'y umatras at bahagyang lumayo
Ikaw ba ang magluluto? Tanong ko. 
Iling lang ang kanyang sagot. 

Ang tindera'y napangiti na lang sa sulok
Walang muwang na espesyal ang araw na 'to
Kaya nga siguro ako'y magluluto? 

Ngunit bakit ako nga'y magluluto,
Kung espesyal pala ang araw na ito?
Sakanya'y tumingin, tanong ko'y nasagot.

At sa kanya na lamang kayo magtanong, 
Anong lasa ng unang anibersaryo?
O ng nilagang walang beef cubes sa timplado.

Sa huli, pareho naman kaming nakangiti.



Sunday, April 18, 2021

In the Middle of Day and Night


In the middle of day and night

I found you. 

Just when the darkness is slowly creeping in,

you showed up.

And as if you know what I'm going to need,

you did not hear me speak,

but you brought a torch to chase away the dark

--- to bring light in the darkest hour.


You said you were not the sun

but just like the moon

you'd be there in my darkest hour,

holding a torch in the dark

and My Love, I knew it now. 

And maybe I was wrong

that in the middle of that day and night, 

It was you... who found me. 

Saturday, August 1, 2020

Spoken Words Poetry: Marahuyo



Ito 'yung oras at panahon na nakangiti ka sa akin,
Oo, sa akin. At ako'y yumuko, 'di nakayang makipagtitigan sa'yo.

Ito 'yung bigla mong tinawag ang pangalan ko 
at ako'y lumingon ngunit 'di nakinig sa mga sumunod mong salita, pagkat nadidinig pa din ngalan ko sa iyong tinig. 

Ito 'yung unang pagkakataon na nagtama ang ating mga mata, at yung mga sumunod pa. Na pareho tayong umiwas, marahil ay nahihiya pa. 

Ito 'yung sa t'wing kasama kita na para bang walang halaga 'yung ingay ng mundo pagkat ikaw at ako at ang oras na 'to ay sapat na upang umikot ang ating mundo. 

Ito 'yung pagdampi ng labi mo sa aking noo, ilong o labi at ako'y yayakapin na tila ba nawala ang pagod at sumapat sa anumang nagkukulang. 

Ito 'yung kahit sa dami ng tao sa mundong ito tayo'y nagtagpo at umibig at sa isa't isa'y nanatili pagkat hindi lahat ay taglay ang marahuyong ito. 

Marahuyo ng pag-ibig na tanging makakamtan lang ng dalawang pusong handang tumupad sa pangako sa isa't isa at hindi bibitaw. 

Ito 'yung nagawa kong sumulat ng tula patungkol sa'ting dal'wa, kulang sa tugma ngunit sapat upang maunawaan ng pusong hanap ay hiwaga. 

Sunday, November 25, 2018

Pagod na ko

Pagod na ko.
Pagod na kong lumikha ng mga katha na nagbibigay kulay o buhay
Pagod na ko.
Pagod na kong umasa na may perpektong pag-ibig maliban sa Dakilang May Likha.
Pagod na ko.
Sa sobrang pagod ko, 'di ko na alam kung paano tumugma ang mga salitang sinasabi ng puso.
Pagod na ko.
Pagod na kong saluhin ang mga batong pilit nilang ipinupukol kahit anong ilag ko.
Pagod na ko.
Pagod na kong makinig, umimik, o makibaka sa mundong kailanman hindi naging patas.
Pagod na ko.
Pagod na kong ipagsigawan ang totoo dahil ako lang naman ang naniniwala dito.

Pagod na ko.
At sana, panandalian lang ang pagod na 'to.
Sana, maglaho ang bigat na nadadama at manumbalik ang kilala kong ako.
Pagod na ko.
Magpapahinga lang ako.


Disclaimer: Not a suicide note.