Friday, June 11, 2010

“Damong Rosas”

Malayo-layo na rin pala ang narating ko!
Simula ng lakbayin ko ang lupaing mabato
Dun ko natutunan kung paano bumangon,
Malubak, pero ako’y natuto naman…

Nasubaybayan mo ba ang aking paglago?
Mula sa pagiging damo naging rosas ako…
Naaamoy mo ba ang halimuyak ko?
Mabango, halimuyak ng pangarap ko ito…

Sa isang damo ako nagsimula,
Naglalakbay ngunit lahat sila’y nakatingala…
May mga tumungo ngunit tinapakan lang ako,
Pagkat ako’y isang damo, ano nga bang kaya ko?

Ngunit ngayon ako’y isang rosas na!
May mabangong halimuyak na aking dala…
Silang mga nakatingala, ngayo’y napapatungo,
Bumubilib na sa halimuyak ko…

Ano namang masasabi mo?
Tingnan mo ang rosas na ito…
Ano?! Isa pa rin ba akong damo?
Nakakatawa, nangangarap lang pala ako…

No comments:

Post a Comment