Saturday, June 12, 2010

“Hardenero”

Nakakalungkot ang ngiting galling sayo,
Dahil alam kong hindi naman ito totoo.

Nakikita ko ang mga mata mo,
Nakapikit, luha ang nasa likod nito.

Itinatago mo ang sakit sa iyong puso,
Pero nasaksihan ko ang mga luhang palihim na tumutulo.

Lumapit ako at pinunasan ang mga luha mo,
Ba’t di nalang kasi ako ang ibigin mo?

Mahal mo siya at ito’y alam ko,
Ngunit hindi buo ang pag-ibig niya sa iyo.

Matagal kko ng kinakatok ang iyong puso,
Ngunit tinig niya lang ang dinidinig mo.

Ikaw ay rosas para sa akin,
Mas mahal kita kesa kaya niyang gawin.

Mahal ka niya ngunit ito ba’y totoo?
Kung ganun ba’t anino ang turing niya sa iyo…

Waring may tabak na tumarak sa puso,
Ang rosas sa iyo ay itinapon mo.

Mas nanaisin mo pa palang maging anino,
Kesa maging rosas sa tabi ko.

No comments:

Post a Comment